𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 43

224 8 0
                                    

KELVIN CLYDE

IDADAAN ko si Kayleigh sa school bago ako pumasok sa opisina ng makita kami ni Kaye na magkasama na palabas ng Mansion ay hindi ako nito tinigilan na hindi siya isama.

“Rita, ikaw ng bahala sa Ma'am Claire mo. Ibigay mo sa kaniya ang inihanda kong pagkain para sa kaniya.”

“Sige ho, Sir.”

Mabilis akong sumakay sa driver seat habang nasa bisig ko si Kaye samantalang nasa backseat naman si Kayleigh. Pinaupo ko ito sa kandungan ko at nagsimula ng magmaneho at idinaan ko na si Kayleigh sa school.

“Bye, Papa! Bye, Baby Kaye!” Kumaway sa amin si Kayleigh.

Nakangiting itinaas ko ang kamay ko. “Bye.”

Nagbaba ako ng tingin kay Kaye na nakayakap sa akin. Wala itong imik at mukhang wala itong balak na pansinin si Kayleigh. Hinalikan ko siya sa noo bago pinasibad ang sasakyan ng makapasok na si Kayleigh sa loob ng school.

Hindi ako sanay na tahimik ang anak ko kaya idinaan ko muna sa Jollibee drive thru. Itinabi ko saglit ang sasakyan at pinakain ko ang anak ko.

“Yummy!”

“One more?” Iniumang ko sa kaniya ang tinidor na may lamang spaghetti.

Umiling siya. “No more! No more!”

Pagkatapos ko siyang pakainin dumiretso na ako sa company. Hawak-hawak ko ang kamay ng anak ko habang papasok kami sa building.

“Behave okay?" Paalala ko sa kaniya.

“Yesh, Daddy! Baby Kaye behave!” She giggled.

“Good morning, Sir!”

“Good morning, boss!”

“Good Morning, Mr CEO!”

Kaliwa’t kanan ang bumabati sa akin. Lahat ng mata napunta sa amin ng anak ko ng pumasok kami. Ngiting-ngiti naman ang anak ko na naglalakad. Paminsan-minsan tumatalon-talon pa habang inilibot ang mata sa buong building. This is the first time I bring Kaye here kaya hindi na ako magtataka kung maging usap-usapan ang anak ko.

“Ang cute-cute naman ng bata, anak ni Boss?”

“Oo, narinig kong tinawag siyang Daddy!”

“Parang gusto ko ng magkaroon ng anak!”

Patuloy lang kami sa paglalakad.

“Wow! Beautiful! Beautiful! Daddy's office?” She innocently asked.

I nodded. “Yes, sweetie.”

Huminto siya sa paglalakad dahilan para mabilis akong nagbaba ng tingin sa kaniya. Nakabusangot itong nag-angat ng tingin sa akin.

Itinaas niya ang kaniyang daliri at iginalaw ito na parang sinasabi niyang hindi, mali.

“No! No! No sweetie! Princess! Kaye is princess, okay?”

I smirked and shook my head. “My princess.”

Mabilis naman na bumalik ang ngiti sa labi niya. Binuhat ko siya ng nasa elevator kami dahil masakit na daw ang paa niya pero agad ring nagpababa ng makarating kami sa floor kung saan ng opisina ko.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now