𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 9

4.3K 121 5
                                    

"Hayop ka?!" Galit na sigaw ni Kelvin. Malalakas na suntok ang pinakawalan niya dahilan para mabitawan ni Winston ang hawak nitong baril. Walang ibang nasa isip ni Kelvin kundi ang pamatay si Winston dahil sa ginawa nito sa asawa niya.

"Kelvin! Tama na! Dalhin natin siya sa hospital!" Sigaw ni Klea. Hawak-hawak nito si Claire, ang mga palad nito ay nakadiin sa sugat ni Claire upang mapigilan ang pagdurugo.

Pinagwalang bahala ni Kelvin si Klea at patuloy sa pagbugbog kay Winston. Halos mabasag na Ang mukha ni Winston, punong-puno na ng dugo ang mukha nito at sumusuka na ng dugo dahil lang sa mga suntok ni Kelvin.

"Ahh!!" Puno ng galit na sigaw ni Kelvin. Nakapatong siya kay Winston at walang humpay na binubugbog ito, wala na itong kalaban-laban sa kaniya. Labis-labis ang kaba na nasa kaniyang puso. Nag-aalala siya na hindi niya maipaliwanag ang kirot na nararamdaman sa kaniyang dibdib.

"Kapag may nangyaring masawa sa asawa ko, babalikan kita kahit patay ka na, papatayin pa rin kita!" Melvin angerly said to Winston. "Tandaan mo 'yan. Tarantado!" Dagdag niyang muli.

Dinuraan niya si Winston sa mukha habang pinagmamasdan ang lalaki na nawawalan ng malay. Nang mabalik ang diwa niya, tumakbo siya papalapit sa kinaruruonan ni Klea na yakap-yakap ang kaniyang asawa.

Kinuha ni Kelvin ang asawa kay Klea, "Clai? Claire! Hey! Don't close your eyes! Babe, do you hear me?"

Hindi niya kayang makita ang asawa na nahihirapan ng ganito, hindi niya lubos maisip nanaabot sila sa ganito. Unti-unting nadudurog ang puso niya na habang tumatagal ay mas lalo itong nahihirapan.

"Madami ng dugong nawala sa kaniya, kailangan na natin siyang madala sa hospital bago mahuli ang lahat!" Sabi ni Klea. Nakadiin ang kamay ni Klea sa sugat ni Claire na malakas ang dugo na lumabalabas dito. Naliligo na si Claire sa sariling dugo.

"Claire, please, don't leave me... Claire! Claire!" Kusang tumulo ang isang butil ng luha ni Kelvin. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng katawan niya, inaatake rin siya ng matinding daga sa puso niya. Hindi niya iniinda ang pagod at sakit ng katawan sa ginawa niyang pakikipaglaban. Nangingibabaw ang sakit at kirot sa puso niya na nakikitang nasasaktan ang babaeng minamahal niya. Sising-sisi siya dahil sa ginawa niya, siya ang dahilan kung bakit agaw-buhay ang kaniyang asawa.

"K-kelvin..." Nahihirapang sambit ni Claire sa pangalan niya. Umiling siya, "Hush, shh... Don't speak, baby. Dadalhin kita sa hospital, wag kang pipikit, kumapit ka lang ah? Wag kang bibitaw! -Putangina! Anong tinatayo-tayo niyo diyan?!" Baling ni Kelvin sa mga tao sa kaniyang paligid na na nakamasid lang sa kanila. "Tumawag kayo ng ambulance!" Kelvin added. Natauhan naman si Raul kaya dali-dali itong lumabas kasama ang ilang tauhan.

Ibinalik niya ang mata sa asawa, "Hey! Don't give up... Please, d-dont leave me," He said while his tears leaky down to his cheek.

"K-kelvin, w-wag k-kang umiyak, m-maging masaya ka para sa akin," Kapos ang hininga na sambit ni Claire. Bakas na bakas na sa mukha nito ang matinding sakit, namumutla na ang mukha nito. Walang salitang kumawala sa labi ni Kelvin dahil wala siyang maisagot sa nais nitong ipahiwatig sa kaniya dahil hindi niya kaya na mawala ang babaeng minamahal niya. Hindi niya kayang mabuhay na walang Claire Castro-Miranda sa buhay niya.

Siya ang kasiyahan ko paano ako magiging masaya kung wala siya sa buhay ko?

Hinaplos ni Claire ang pisngi niya and she wiped out his tears. He close his eyes when her soft-cold hands in his face.

"M-mahal n-na m-mahal k-kita K-kelvin," Dagdag ni Claire.

Tumango si Kevin at hinawakan ang kamay ng asawa na nakahawak sa pisngi niya. Kinuha niya ito at hinalikan ang likod ng palad nito. He close his eyes when his tears leaky down to his cheek,

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now