𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 38

184 4 0
                                    

CLAIRE JOYCE

AKALA ko ng araw na iyon bumaba siya para sigawan ako dahil na gasgasan ko ang bagong bili niyang sasakyan kaya laking gulat ko na lang na sigawan niya ako dahil sa inakala niyang ginawa ko iyon para matagtag si Stephanie.

"Kumapit ka lang baby..."

Umiiyak na hinaplos ko ang medyo umbok kung tiyan. Nang bumalik kasi ako sa OB ko nitong nakaraan ang sabi niya ay mahina ang kapit ng baby ko kaya iwasan ko ang magpuyat, stress at maging ang paglalakad sa hagdanan ay dapat mag-iingat ako dahil kunting tagtag lang ay maari akong duguin at makunan.

Binigyan ako ng OB ko ng madaming gamot good for my baby. Vitamins at pampalakas ng kapit. Sinusunod ko lahat ng ibinilin nito dahil ayaw kong mawala ang baby ko! Ayaw kong mamatayan ng anak!

"Aalagaan ka ni Mommy at pakamamahalin kita baby, wag mo lang akong iiwan..."

"Hindi ka iiwan ni Kaye, sabihin na nating daddy's girl siya pero hindi ko siya magagawang ilayo sa iyo. You're still the mother of my kids... My wife."

Mabilis kung tinuyo ang pisngi ko at bahagyang tumagilid paharap kay Kaye na mahimbing na natutulog sa gitna ng kama. Inayos ko ang kumot niya at hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan ko sa noo.

Pinagwalang bahala ko si Kelvin. "Good night baby. Iwabeyu..."

Ang totoo ay para sa sinapupunan ko ang sinasabi ko pero alam kung iisipin niyang para kay Kaye dahil madalas ko itong gayahin sa mga baby talk niya.

Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama sa tabihan ko. Nahigit ko ang hininga ko ng humiga siya sa likuran ko at iniyakap sa bewang ko ang braso niya at isiniksik sa batok ko ang mukha niya.

Napakagat labi ako at mariing napapikit. Mabilis kung tinabig ang kamay niya sa bewang ko at sinubukan kung bumangon pero agad niya iyong na ibalik sa katawan ko sa pagkakataong ito sa tiyan ko na siya nakayakap na ikinahigit ko ng hininga.

Hindi pa naman halata ang tiyan ko pero sympre hahalata niya ang umbok nito!

"Kelvin, ano ba." Mariin pero mahina dahil ayaw kung magising si Kaye. Hinalikan niya ako sa leeg bago nag-angat ng mukha dahilan para nagkatitigan kami.

"Buntis ka ba?"

Pinigilan kong magbago ang reaksyon ng mukha ko ng marinig ko ang tanong niya. Hindi ako nagsalita dahil baka madulas pa ako masabi ko pa ang totoo!

Wala pa rin siyang alam tungkol sa pinag-bubuntis ko at sa kalagayan nito sa sinapupunan ko.

"Nakita ko iyong pills mo hindi mo na ginagalaw. Na isip ko lang na iyon ang dahilan kung bakit hindi ka na umiinom."

Napakagat labi ako. Siya nga pala ang bumibili ng pills ko dahil hindi nga siya gumagamit ng protection at ayaw pa naming masundan si Kaye kaya umiinom ako ng birth control pills pero nitong nakaraan nakaligtaan ko ng uminom at itinigil ko na talaga ng malaman kung buntis ako.

Ito rin kasi ng isa sa dahilan kung bakit mahina ang kapit ni baby, eh.

Mapakla akong tumawa at tinabi siya paalis sa ibabaw ko at nagmamadaling umupo ako sa kama. "Buntis agad? Hindi ba pwedeng hindi ako umiinom dahil walang nangyayari sa atin?"

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now