𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 56

272 4 0
                                    

“KELVIN tara na!”

Nilapitan ni Kyle si Kelvin at hinawakan sa balikat at hinila palabas ng pabrika na unti-unting natutupok ng apoy.

“No! Where is my wife?!”

“Hindi ba si Raul—

“Boss!”

Humahangos na si Raul ang dumating na pumutol sa sasabihin ni Kyle.

“Nawawala si Ma'am! Hinanap ko na sa kung saan pero hindi ko matagpuan. Hinabol niya kanina si Miss Samantha at bigla na lang silang na wala!”

“Bullshit!” Napasabunot si Kelvin sa sariling buhok.

“Kailangan nating mahanap si Claire bago sumabog ang buong lugar na ito! Maghiwa-hiwalay tayo. Dito kami, doon kayo!” Pagbibigay ng instructions ni Kenji.

“Kilos! Kilos! Kilos!”  Utos ni Kelvin.

Si Kelvin, Kyle at Raul ang pumunta sa likuran at sa harapan naman si Kenneth, Kenji at Kennedy. Sinuyod nila ang bawat sulok ng pabrika. Wala silang ibang makita kundi ang nagkalat na bangkay.

Natigilan si Kelvin ng marating nila ang kinaruruonan ni Claire at Samantha na halatang nagtatalo ang dalawa. Sa itsura ng mga ito, halatang kanina pa nag-aaway at nagtatalo. Lalapitan na sana ni Kelvin si Claire ng mahagip ng mata niya si Mister Suarez sa kabilang banda na may baril na nakatutok sa kaniyang asawa.

“Goodbye, Missis Miranda.” Bulong ni Mister Suarez sa kaniyang sarili bago kinalabit ang gatsilyo ng sniper na hawak niya.

Nahigit ni Mister Suarez ang kaniyang hininga at nanginginig ang mga kamay na kusang nahulog mula sa kaniyang mga kamay ang sniper ng makitang ang anak niya ang tinamaan. Nanginig ang buong katawan nito at napahawak sa kaniyang dibdib na hirap-hirap na huminga at naparalisa ang buong katawan. May isang butil ng luha ang tumulo sa pisngi nito bago ipinikit ang mga mata.

Hindi napansin ni Mister Suarez ang biglaang pagyakap ng anak niya kay Claire at umikot ito dahilan para ito ang sumalo ng bala na pinakawalan niya.

NANLAKI ang mata ni Claire at napa-awang ang labi niya sa ginawang pagsalo ng bala ni Samantha na dapat para sa kaniya. Mabilis niya itong niyakap ng dahan-dahang bumabagsag sa sahig.

May dugong lumalabas sa bibig ni Samantha at hirap-hirap itong humingga. Hindi maiwasan ni Claire na maiyak ng makita ang sitwasyon ni Samantha. Kahit anong gawin niya magkapatid pa rin sila and she care about her sister.

“S-Samantha... Oh my! Oh my god!” Natatarantang sambit niya.

“Wag kang bibitaw, kumapit ka lang! Kumapit ka—

Naputol ang sasabihin ni Claire ng hawakan ni Samantha ang kaniyang kamay na nakadiin sa sugat nito na may maraming dugo na lumalabas.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Claire ng makitang ngumiti sa kaniya si Samantha kasabay ang luhang naglalandas sa pisngi nito na humahalo na sa dugo na lumalabas sa katawan nito.

“K-Kapag... N-Namatay ako... B-bayad na ako s-sa mga u-utang k-ko sa iyo...” Umangat ang kamay nito na may dugo sa pisngi ni Claire at hinaplos iyon.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon