𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 27

2.8K 94 6
                                    

Claire Joyce Point Of View


Mabagal ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan habang nakahawak sa malaking umbok ng tiyan ko. Ingat na ingat ako sa bawat hakbang ko at halos hindi ko maalis ang tingin sa hagdan dahil kapag nagkamali ako ng hakbang paniguradong wala akong ligtas sa kamatayan.

Nakahawak ako sa light blue long maternity dress na suot ko na pinarisan ko ng putting flat shoes. Naglakad ako patungo sa garden kung saan nakahanda ang dinner namin ni Kelvin. Mas lalong lumapad ang ngiti ko bumungad sa akin ang magandang decoration sa paligid. Candle lighting at nakapalibot na Christmas light na iisa ang kulay na kasing kulay ng candle light.

Nakatalikod siya sa akin may ka-usap siya sa cellphone. Napaka-manly ng tindig niya, nakalagay pa sa bulsa ng pants niya ang isang kamay. Mukhang inis na inis siya sa ka-usap niya sa cellphone dahil frustrated na napasuklay siya sa kaniyang buhok gamit ang mga daliri. Ibinaba niya na ang tawag at ibinulsa ang cellphone.

Naglakad ako papalapit sa kaniya habang nakamasid sa magandang ilaw na gawa ng kandila at mga ilaw. Ang sarap sa mata. Napaka-romantic ng datingan para sa akin, siya kasi ang bahala sa dinner place namin — which is siya ang bahala sa setup habang ako naman ay sa foods. Ayaw niya sana na ako ang magluto kasi mapapagod ako pero wala siyang magawa dahil gusto ko ako ang maghahanda ng dinner namin.
Isang round table ang nasa gitna good for two person. Puno ito ng pagkain na ako ang nagluto, may isang bouquet of red rose sa gilid ng mesa.

Humarap siya sa akin na seryoso ang mukha. He's so hot and gorgeous in his outfit. Ang swerte ko naman na makapag-asawa ng gwapong nilalang!

"Hindi ka na nagsawa sa kakatitig sa gwapo kung mukha, mas lalo kang na i-in love nu?" Tukso niya sa akin at kinindatan ako.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at isang dalawang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa. Inirapan ko siya at hindi ko pa rin maiwasang hindi mapangiti sa sinabi niya.

"Oo na, gwapo ka na..." Lumawak ang ngiti sa labi niya. "... At dapat ka mukha mo si baby para sa kaniya na lang ang mata ko total nakikita ko na naman na siya sayo." Sumibangot siya.

"Gusto kung lahat ng sa akin ay makuha ng anak ko pero dahil sa sinabi mo parang ayaw ko na bigla..." Kumamot siya sa batok. "...It's unfair, you must stare to the original." Na tawa naman ako sa sinabi niya.

Ngumiwi na lang ako sa kaniya at iginala ang tingin sa paligid. Napansin ko naman na nasa akin ang mata niya. Kaya napatingin ako sa kaniya, nasa likod ko na siya at nakayakap sa akin mula sa likod.

"Like it, babe?" Tumango na ako. I love it.
Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa umbok ko'ng tiyan. Madalas na sa tiyan ko nakatambay ang mga kamay niya kapag magkadikit kami, kung hindi humahaplos ay tinatapik-tapik niya na para bang nagpapatulog ng bata. Sinilip ko ang mukha niya at hinalikan ko siya sa pisngi.

"I love it, babe. Kain na tayo?" Tumango naman siya at inalalayan akong naka-upo. "Akala ko hindi mo magugustohan..." Tiningnan ko siya ng seryoso.

"Bakit naman?" Inilibot ko ang paningin. "...Ang ganda kaya, isa pa kahit walang ganito basta sabay tayong kumain. Okay na ako..." Iniabot niya sa akin ang bouquet of roses.

"For you..." Nakangiting tinanggap ko ito. Niyakap ko ang flowers at inamoy. Ang sariwa ng bulaklak at ang bango pa. Tumingin ako sa kaniya, "Thank you!"

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now