𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 33

227 8 0
                                    

CLAIRE JOYCE

HATING-GABI ng magising ako. Nilingon ko si Kelvin na mahimbing na natutulog sa tabihan ko habang nakayakap sa akin. Dahan-dahan kung tinanggal ang kamay niya sa bewang ko. Ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay dahil alam kung kaunting galaw lang ay nagigising siya.

Dahan-dahan kung hinila ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Letse kasing Kelvin ‘to! Hindi ako tinigilan, tudo tangi naman ako pero traydor naman ang katawan ko. Ayan tuloy bumagsak na naman ako sa kama niya!

Pumasok ako sa walk-in closet. Nagbihis ko ng pajama at long sleeve na pangtulog bago ako bumaba sa kusina. Hindi na ako nakakain ng dinner dahil ako ang kinain kaya ang bagsak gutom na gutom ako ngayon!

Pagkatapos kung kumain umakyat na ako sa taas at sumilip ako sa kwarto ng mga anak ko. Pumasok ako sa loob at tiningnan sila. Inayos ko si Keith dahil nasa gilid na ito ng kama aalis na sana ako ng magising siya.

“Mommy, please stay...”

Bumalik ako sa kaniya at nakangiting humiga ako sa tabihan niya para samahan siya habang sa makatulog siyang muli. Mabilis siyang lumapit sa akin at yumakap dahilan para halikan ko siya sa kaniyang ulo.

“Go back to sleep, baby.”

Pinagmamasdan ko ang mukha niya at marahan kung hinahaplos ang likod niya at hindi ko namalayan na pati ako ay nilamon na ng antok.

“HINDI mo naman masyadong pinapahalata na iniiwasan mo ako. Bakit kailangan sa kabilang kwarto pa kayo matulog ng mga bata?”

“Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?”

Ibinalik ko sa fridge ang pitcher na may lamang tubig. Kinuha ko ang baso na sinalinan ko ng tubig at akmang lalampasan ko na siya ng hawakan niya ang braso ko dahilan para mapahinto ako.

“May alam ka bang hindi ko alam?” He seriously asked.

Mapakla akong tumawa at humarap sa kaniya. Tiningnan ko siya ng masama.

“May ginagawa ka bang dapat kung nalaman?”

May bahid ng galit kung tanong sa kaniya. Natigilan siya. He look at me blankly and shook his head.

“Wala, Claire. Wala! Ano bang problema mo at ganiyan ka?”

“Ikaw! Ikaw ang problema! Ganiyan ka na mula ng bumalik ako galing states! Hindi ba dapat ako ‘yong nagtatanong sa iyo kung bakit ang laki ng pinagbago mo?!” Buong lakas kung sigaw sa kaniya.

Thank God, wala ang mga bata. Hiniram ito ng parents ni Kelvin at dinala sa Korea upang magbakasyon. Kaya ang ending dalawang araw na ako lang palagi ang nasa bahay at ngayong araw lang ako nagising na nandidito pa rin si Kelvin.

“Madami man akong oras na hindi na ibibigay sa iyo, hindi ibig sabihin no'n nagbago ang nararamdaman ko sa iyo, Claire. Madami akong ginagawa na kailangan kung pagtuonan ng pansin at oras. I'm doing everything for our family! For you and for our kids.”

“Kelvin, hindi na kita maintindihan! Pakiramdam ko ang layo-layo mo na sa akin... Sa amin ng mga anak mo! Kapag na sa amin ka, kung hindi ka pagod mainit ang ulo mo. Hindi na ikaw iyong dating Kelvin na hindi magawang umalis ng hindi nagpapa-alam at magsasabi kung anong oras uuwi! Halata naman sa iyo na ayaw mo kaming makasama palibhasa hindi na nakalaan para sa amin ang oras at attention mo...”

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now