𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 35

249 6 0
                                    

CLAIRE JOYCE

MAGHAPON kaming nasa labas. Naglalaro habang naliligo na parang mga bata. Nagtag of war sa gitna ng tubig. Nang hapon na naglaro ng volleyball ang mga lalaki. 3 Vs. 3. Si Kelvin, Kenji at Kyle habang sa kabila naman si Kenneth, Kennedy at Jake.

First game panalo sila Kenneth kaya todo ng pang-aasar niya kay Kelvin na ikinapikon naman nito ng lalo. Second and third game panalo sila Kelvin pero patuloy pa rin sa pamimikon si Kenneth.

Kasalukuyan kung pinapaypayan ang niluluto kung barbeque. Kasama ko si Carry at siya ang naglalagay ng barbeque sa ihawan.

“LQ?”

Napatingin ako kay Carry. Ngumuso siya sa gawi nila Kelvin na nakapalibot sa bun fire. Tahimik siyang naka-upo tapos ito namang si Stephanie daldal ng daldal sa kaniya. Minsan ngumiti siya dito at tumatango.

“Paano mo na sabi?” I asked her back.

Ayos na naman na kami kanina pero mukhang bad trip siya dahil sa akin. Bakit kaya?

Kanina niya pa hindi kinikibo. Kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, iirapan niya ako tapos iiwas. Lapit ako ng lapit sa kaniya pero iwas naman siya ng iwas. Sinubukan kong maglambing sa kaniya pero imbes na pansinin ako si Stephanie ang pinagtutuonan niya ng pansin. Kaninang lunch akala ko sa tabihan ko siya uupo pero nagulat na lang ako ng umupo siya sa tabi ni Stephanie. He even serve her. Hindi ko alam kung pinagseselos niya ako o talagang tama ang iniisip ko? Hindi ko na rin siya sinubukang lapitan o ka usapin kanina kaya ang ending parang war kami.

“Halata naman, eh! Mula ng dumating kami kagabi pansin ko na hindi kayo in good term. Hindi ka na bumaba pa, umakyat si Kelvin para sunduin ka tulog ka na daw. Mas malala ngayon, mukhang siya ang umiiwas sa iyo unlike kagabi dikit ng dikit sa iyo at ilang na ilang ka naman!”

After ko kasing maka-usap si Mommy nakatulog na ako. Feeling ko kasi ang bigat-bigat ng pakiramdam ko na gusto ko ng ipahinga.

“Nag-usap kami ng maayos kanina, okay na kami. He already explained and tell me everything that I should know.”

“How about the issue about between the two of them?”

I nodded.

Bumaling ako sa gawi nila. Parang may pumiga sa puso ko ng makita kung nakasandal ang ulo ni Stephanie sa balikat niya. Agad kung ibinaba ang tingin ko sa barbeque ng mapansin kung napunta ang mata niya sa gawi namin. Ramdam ko na may nakatitig sa akin kaya hindi ko na sinubukan pang lumingon sa gawi nila.

“Guys, hindi pa ba luto?!”

Nakangiti si Kenneth habang papalapit sa amin. “Wow! Ang sarap niyan, ah!”

Naiiling na inabot ko sa kaniya ang plato na may laman ng luto na barbeque.

“Dalhin mo na ‘yan doon, susunod na kami.” Utos ko sa kaniya na agad naman siyang tumango at naglakad pabalik.

Nilingon ko si Carry. Kumunot ang noo ko ng makita kung nakatingin siya sa direction na tinahak ni Kenneth. Akala ko no'ng una si Kenneth ang tinitingnan niya pero ng sundan ko ang tingin niya. Si Kyle ang tinitingnan niya na tumatawang naka-akbay kay Thea.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu