𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 45

341 11 1
                                    

CLAIRE JOYCE

NAKANGITING naghahanda ako ng hapunan para sa amin ni Dexter sa aming simpleng tahanan. Maliit lang ang bahay namin pero sakto lang iyon para sa amin at sa mga bata.

Masaya at kontento ako sa kung anong meron kami. Ang sa akin lang naman sapat na pera para matustosan ang aming pangangailangan sa aming pang-araw-araw at maibigay na rin ang ilan sa mga kagustuhan ng mga bata.

“Nandito na ako!”

Boses ni Dexter ang pumuno sa buong bahay na ikinangiti ko. Nagpunas ako ng kamay at naglakad papunta sa sala.

“Papa!”

Tumakbo papalapit sa kaniya ang dalawang bata at yumakap sa kaniyang bente na agad niya namang binuhat at pinaghahalikan na ikinahagikhik ng mga ito.

Sa tatlong taon naming magkasama mula ng makilala ko siya walang nagbago sa kaniya. Kung ano siya ng makilala ko ganu'n na ganu'n pa rin ngayon.

“Nakauwi ka na pala...” Nakangiting lumapit ako sa kaniya.

“Oo, medyo na pa aga.”

Nakangiting ibinaba niya ang mga bata. Dumukwang ako para halikan siya pero agad naman siyang umiwas na ipinagkataka ko.

He chuckled. “Mamaya ka na humalik pawisan ako.”

I rolled my eyes on him. “Yakap na lang.”

I demanded pero mabilis siyang umiwas sa akin at naglakad papunta sa kwarto. Nalukot naman ang mukha ko sa ginawa niya kaya na iinis na bumalik ako sa kusina at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Sa kalagitnaan ng paghahain ko naramdaman kung may yumakap sa akin mula sa likod. Napairap ako ng nanuot sa ilong ko ang pabango ni Dexter.

“Ang sarap naman niyan...” Malambing niyang sabi at pinaghahalikan ako sa pisngi at ulo.

“Dexter!” Saway ko sa kaniya.

Kinalas ko ang yakap niya sa akin at mabilis na tinalikuran siya para ilagay sa mesa ang sinigang na isda sa mesa.

“Ngayon mo ako halikan na bagong paligo na ako. Dali!”

“Heh!”

Mabilis naman na nawala ang tuwa sa mukha niya. Ayan, kapag ako ang humihingi kailangan patagalin kaya bahala siya diyan!

Hindi naman na siya na ngulit pa ng sabihin kung tawagin niya na ang mga bata para makakain na ay agad niya naman itong pinuntahan sa sala at dinala sa kusina. Pinaupo niya na ang mga ito sa pwesto nito at nilagyan ng pagkain sa plato.

Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagawa niya iyon dahil kahit pagod siya mula sa trabaho na gagawa niya pa ring alagaan ang mga bata.

“Upo ka na, Ma.” Kinindatan niya ako at pinaghugot ng isang upuan.

“Kumain ka ng marami, Pa.” Nakangiting nilalagyan ko ng pagkain ang plato niya.

“Sympre, luto mo eh. Masarap ba ang luto ni Mama?” Baling niya sa dalawang bata.

Mabilis namang tumango ang mga ito at ngumiti. “Opo!”

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now