𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 37

225 6 0
                                    

CLAIRE JOYCE

MEMORABLE ang bakasyon na iyon para sa akin. Lahat kami ay nag-enjoy pero feeling ko ako lang naman ang nag-enjoy na matulog sa tent. Lahat ba naman sila puyat at pare-pareho lang ang reklamo na kaliwa't kanan daw iyong asong ulol ng gabing iyon kaya hindi daw sila makatulog baka masakmal din daw sila.

Ang lalaki ng eye bags nila pwera sa amin ni Carry na fresh, blooming at happy na gumising. Ewan ko lang talaga sa kanila kung bakit ang lalaki ng eye bags.

Matatakutin pala sila hihi!

Buwan na ang nakalipas mula ng bakasyon na iyon at lahat sila ayaw ng maulit maliban kay Carry na nagyaya ulit na mag beach pero agad na tumanggi ang marami.

"Claire, kumain ka na!" Agad na nag-init ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Kelvin.

Naipikit ko ang mata ko at mariin kong na ikuyom ang kamao ko. Tinungo ko ang pintuan at marahas na binuksan ang pinto-

"Aray!"

Buwisit na pinto ito at inuntugan ang ulo ko! Mas lalong kumulo ang dugo ko kay Kelvin ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Nag-angat ako ng masamang tingin sa kaniya na ikinatigil niya.

"Sorry. May padabog-dabog ka pa kasi..."

Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko na nakahawak sa noo ko agad ko siyang nilampasan. Dumiretso ako sa sala at pabagsak na umupo sa sofa. Isinandal ko sa ang ulo ko sa sofa at mariing pumikit.

Iniisip ko pa lang na nakabuntis si Kelvin ng ibang babae. Sasabog na ako sa galit! Naninikip ng puso ko at hindi ko kayang tanggapin! Para akong sinasakal sa sobrang sakit! Paano ako? Paano ang mga anak namin? Masasabi pa kayang Isa kaming masaya at kompletong pamilya? Paano kung mas piliin niya ang bago niyang pamilya kaysa sa amin? Ano na lang kami sa kaniya ng mga anak ko?

Naramdaman kong na upo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "Ano ba kasing na panaginipan mo kagabi at gumising kang galit na galit sa akin?"

Oo! Napanaginipan ko lang na nakabuntis siya ng ibang babae pero hindi lang iyon basta panaginip pakiramdam ko ay totoong-totoo dahil sobra akong apektado!

Bakit ba ganu'n ang napamaginipan ko?

"Sabi nga nila. Kung anuman ang napamaginipan mo kabaliktaran no'n ang mangyayari." He said.

Alam ko! Marami na silang nagsabi niyan!

"Marami na rin ang nagsabi na kung minsan sa panaginip idinaan ang mga bagay na mangyayari."

Kung hindi iyon senyales ng mangyayari sa amin sa kinabukasan maaring tama siya kabaliktaran nga no'n ang panaginip ko!

Sana lang talaga...

"Claire. Meryenda na oh, kumain ka na. Mula pa kaninang umaga walang laman ang tiyan mo. Lagyan ko 'yan ng bata, makikita mo!"

Mula pa kasi kanina hindi ako bumababa. Hindi ko siya pinapansin nagmukmok ako sa kwarto kaya pati ang pumasok sa opisina ipinagpaliban niya. Mabuti na lang at wala ang mga bata. Isinama ng parents ni Kelvin sa tagaytay dahil may business trip doon ang Dad niya. Ipapasyal na deritso ang dalawa kaya hindi na iyon na pipirme dito sa amin.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now