𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 36

284 6 0
                                    

CLAIRE JOYCE

UMAGANG-UMAGA ay sa dagat agad ang event namin. Sumakay kami ng banana boat at naglibot-libot habang nakasakay sa motor na pandagat.

“Isang round pa!” Sigaw ko habang nakataas ang kamay ko. Nakaangkas ako sa likod ni Carry at pareho kaming nakasuot ng two pieces.

“Wooohh! Gusto ko ‘to!”

Sumigzag kami ni Carry dahilan para tumama ang tubig sa nilampasan naming si Kelvin at Stephanie dahilan para sumigaw ito sa inis. Ganu'n at ganu'n palagi ang ginagawa niya sa tuwing lalampasan namin ang mga ito maging si Kyle at Thea kaya panay ang sigaw. Halos basang-basa sila dahil sa amin pero hindi namin pinagtutuonan ng pansin ang mga tingin nila, we're enjoying and having fun!

Buong oras na kami ang tandem. Hindi kami naghiwalay kahit maliit na distansiya hindi namin ginagawa iyon bang takot na takot kaming bitawan ang isa’t-isa.

“Ikaw naman!”

Agad naman kaming nagpalit ng pwesto ni Carry ng mapunta kami sa kabilang side. Ako naman ang nagmaneho siya naman ang angkas ko. We are enjoying each other company.

I love this! I love enjoying with my best friend!

Malayo na ang napuntahan namin to the point na nakarating kami sa likod ng maliit na Isla sa gitna ng karagatan kaya medyo mahina na lang ang pagpapatakbo ko dahil gusto ko ng umikot pabalik ngunit sa kasamaang palad hindi ko inaasahan ang isang parating na motor. Sa bilis nitong inikutan kami agad na gumiwang-giwang kami ni Carry at dahil sa malakas na tama sa amin ng tubig ay tuluyan kaming nahulog sa malamig na tubig ng dagat!

“Waahhhh!” Hiyaw namin pareho ng bumagsak kami sa tubig.

Lumubog kami pereho kaya naman mabilis kung lumangoy paitaas at inahon ang ulo ko para tingnan kung sino ang may gawa no’n pero agad rin akong napapikit ng malakas na tampisaw ng tubig sa harapan ko para bang may nahulog na malaking bagay.

“Ahhh!” Tili ko ng maramdaman kung may pumulupot sa bewang ko.Mabilis kung pinunasan ang mukha ko dahil mahapdi sa mata ang tubig na pumasok sa mata ko. Naramdaman ko naman na may dalawang kamay na tumama sa pisngi ko at tinutuyo ang mukha ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita ang gwapong mukha na nasa aking harapan kasabay ang mabilis na tibok ng puso ko.

“K-Kelvin?”

He smile. “You okay?”

Mabilis ko siyang hinampas sa dibdib at masamang tingin ang tinapon ko sa kaniya ng mapagtanto ko na siya ang nagmamaneho ng isang motor boat kung kaya kami nahulog ni Carry.

Speaking of Carry. Kumapit ako sa braso ni Kelvin at agad na nanglinga-linga para hanapin si Carry. Kinabahan na ako ng hindi siya makita gusto ng sumigaw baka kasi nalunod na siya o kaya kinain ng buhaya pero halos malubog ako sa tubig ng lumitaw ang ulo niya at letse nagtutukan sila ni Kyle!

Abah-Abah! Kinain nga—ni Kyle nga lang!

I heard Kelvin chuckled. Napatingin ako sa kaniya at naglalambing na yumakap sa akin mula sa likuran ko at hinalik-halikan ako sa balikat papunta sa aking leeg.

Gusto ko siyang sawayin pero hindi ko magawa dahil gusto rin naman ng katawan ko. “Let’s go?”

Tumango ako at tumingin kila Carry magsasalita na sana ko para yayain silang bumalik pero hangang ngayon hindi pa rin sila bumibitaw. Masasabunutan ko talaga ang babaeng ito may Kalix na pinatulan pa ang manok ko mamaya niyan mabibigo lang sa kaniya but despite of it I'm happy for them, sorry na lang sa Kalix niya.

Sinabuyan sila ni Kelvin ng tubig dahilan para nagkahiwalay sila. ”What the fuck!” Masamang tingin ang itinapon ni Kyle kay Kelvin.

“Pudpod na labi niyan hindi naman masyadong pinapahalata na uhaw sa halik.” Naramdaman kung may dinukot si Kelvin sa bulsa niya at ibinato iyon kay Kyle pero hindi iyon nakaabot dahil magaan lang iyon. Pinakatitigan ko na lumulutang sa dagat. Wait is that—

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Onde histórias criam vida. Descubra agora