𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 41

218 4 0
                                    

CLAIRE JOYCE

“DOC, kamusta po ang baby ko? Ayos lang po ba siya?”

Takot na takot akong marinig ang sasabihin ng doctor sa dami ng dugo na nawala sa akin impossible pero umaasa ako! Umaasa ako na ligtas ang anak ko!

“You’re safe now, Missis and... The baby is fine.” Nakangiting sambit ng doctor.

Nakahinga ako ng maluwang. Tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Thank god! Ligtas ang baby ko!

“Mabuti na lang at malakas ang kapit ng bata kaya kahit madaming dugo ang na wala sa iyo hindi ka pa rin nakunan. Sa ngayon ay mahina siya pero lumalaban, kailangan mo ng doubleng pag-iingat dahil kapag na ulit ang ganitong pangyayari, I'm sorry but you’ll lost the baby.”

Binigyan ako ng mga gamot na dapat kung inumin para sa baby ko. May mga ibinilin rin siya na dapat kung gawin para makapagpag-ingat. Lumabas na rin siya ng silid ko pagkatapos kung makapagpasalamat sa kaniya.

Nakangiti ngunit may luhang naglalandas sa pisngi ko habang hinahaplos ko ang medyo may kalakihan kung tiyan. Halata na ito sa suot kung hospital gown, eh. Laking pa salamat ko na lang sa panginoon na ligtas siya.

Nagising ako kagabi na walang nagbabantay sa akin pero alam kung si Kenneth ang kasama kung papuntang hospital dahil siya ang nakakita sa akin na dinudugo ako palabas ko ng condo building ni Kelvin.

Pagkarating ko dito kahapon agad ng kapamilya ni Kelvin pumunta rito para alamin ang lagay ko. Nabigla silang lahat ng malamang buntis ako at hindi ko sila masisi dahil inilihim ko naman talaga ang pagbubuntis ko. Pero sa dami ng nag-aalala para sa akin isang tao lang naman ang gusto kung makita dito at magbabantay sa amin ng baby ko pero wala.

Alam ko rin na si Kenneth ang magdamag na kasama ko. Nagpapaalam lang siyang umuwi para makapagpalit ng damit. Na sabi rin sa akin ni Kenneth na ilang beses niyang tinatawagan si Kelvin pero hindi siya sinasagot kaya sinabi ko na lang sa kaniya na wag niya ng esturbohin baka busy...

Busy sa pag-aalaga ng butis niyang kabit!

“Thank you baby, hindi mo ako iniwan. Kumapit ka lang, ah? Mahal na mahal kita—

Nasa ganu'ng position ako ng marahas na bumukas ang pinto.  Natigilan ako ng si Kelvin ang iniluwa no’n bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala pero unti-unti iyong napalitan ng galit.

“Tinanong kita, Claire, pero mariin mong tinangi! Putangina! Kung hindi ka pa dinugo hindi ko malalamang buntis ka! Kailan mo balak sabihin sa akin tungkol dito, ah?!”

Hindi ko inaasahan na iyon ang ibubungad niya sa akin. I expected na kaya siya nagmamadali dahil nag-aalala siya para sa kalagayan ng baby ko pero nagkamali ako.

“Wala.” Simpleng tugon ko sa kaniya na mas lalong ikinadilim ng mukha niya. “Wala, wala namang exciting sa baby ko. Ako lang naman ang may gusto sa kaniya dahil sa simula pa lang ayaw naman ng ama niya na mabuo sa sinapupunan ko.”

Natigilan siya. Matagal siyang nakatayo sa may pintuan habang nakatitig sa kamay ko na humahaplos sa maliit na umbok Kong tiyan.

Totoo naman eh! Ayaw niya na akong mabuntis ulit kaya hindi ko na pinagka-abalahang sabihin sa kaniya. Sa iisipin na dalawang buntis na ang inalagaan niya dadag pa ba ako?

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now