NYC:4

1K 51 13
                                    

NYC : 4

EUREKA'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

EUREKA'S POV


Preoccupied, I walk down the school's pathway. Nakahawak ako sa straps ng aking backpack at malalim ang iniisip.

I can hear noises from different voices. Students were scattered around the area, buzzing like bees. But the noise doesn't bother me. Naka-focus ako sa aking paglalakad, habang nagmumuni-muni.

Iniisip ko 'yung favor sa amin ni Sir Morgan. About returning the ten-million-dollar necklace to its owner, Miss Jane Forester, in New York City USA. Principal gave us time to think about it. Kasi nga naman, napakalaking task 'yung ibinibigay n'ya sa amin. We're talking about ten million dollars here, folks! That's a HUGE task. At hindi kami pupwedeng magpadalos-dalos ng desisyon. So, here I am, thinking about it.

"Psst! Uy, iyan na 'yung crush mo oh!"

"Hindi ba siya 'yung nasa kabilang section?"

"Sige na! Lapitan mo na!"

"Go, brad! Hingan mo ng number!"

Maya-maya pa't may sumalubong sa aking grupo ng mga lalaki. Magbabarkada 'ata sila. Nagtutulakan ang mga ito at wari'y nahihiyang lumapit sa akin. Huminto ako at tiningnan sila nang nagtatakha.

"Ayan na, brad!"

"Huminto na siya, oh!"

"Kausapin mo na, go!"

"H'wag torpe. Confident!"

Nabubulungan sila, kaya kumunot ang aking noo. Sino ba 'tong mga lalaking 'to? At anong kailangan nila sa akin?

Tinulak nila 'yung isang lalaking medyo maputi at matangkad. Mukha siyang mistiso. Sumipol ang mga kabarkada no'ng mistisong lalaki, lalo na noong siya'y humarap sa akin nang nakangisi.

"H-Hi... Um..." Nagkamot-batok ang mistisong lalaki at nahihiyang tumingin sa akin. "You... You're Eureka, right?"

"Uh..." I nod my head. "Yeah, ako nga. May I help you?"

"NAKS! AYYYIIIEEE, GO BRAD!!!" kantyawan no'ng mga lalaking nasa likod ni mistiso-guy.

"Tch! Ewan ko sa inyo!" Pailing-iling na tumawa ang mistisong lalaki, saka siya naglakas-loob na tumingin sa aking mga mata.

Okay, to be honest, gwapo siya. No malice.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Where stories live. Discover now