Chapter 10

4.5K 204 12
                                    

CHAPTER 10

Eureka's POV

NARAMDAMAN KO ANG paghinto ng aming sinasakyang van sa gilid ng isang gasoline station.

"Guys, wait lang," Suzy said as she unbuckled her seatbelt. "CR lang ako."

Tumango kami at agad naman siyang bumaba ng sasakyan. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng van bago tumakbo sa rest room ng station.

"Ako rin, labas muna ako," wika naman ng katabi kong si Genesis.

"Magsi-CR ka rin?" tanong ni Neil mula sa passenger's seat.

Umiling si Gen bago in-slide pabukas ang pinto ng van. "May bibilhin lang ako sa convenience store na 'yon."

Nginuso niya ang medyo malaking store na nasa kabilang lane ng kalsada. Napa-"aaahhh" na lang kami at hinayaan siyang makababa ng van.

"May ipapabili ba kayo?" pahabol na tanong ni Genesis.

Umiling kaming dalawa ni Ele. Si Neil naman ay sumagot ng, "Wala."

Tumango si Gen. "Sige, kayong bahala. Alis na ako."

Naglakad na siya papunta sa sinasabi niyang convenience store. Naiwan kaming tatlo nila Ele at Neil sa loob ng van.

Medyo naging awkward ang atmosphere para sa'kin. Hindi kasi sila nagsasalita at nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan.

Si Neil ay nananatiling nakaupo sa passenger's seat habang may tina-type na kung-ano-man sa laptop ng dashboard.

Si Ele naman na katabi ko, busy siya sa kaniyang binabasang libro na 'di ko alam ang title.

Sinubukan kong silipin ang page na binabasa niya. Hindi ko naman inaasahan na mapapansin niya 'yung inakto ko.

Kaya nang mag-angat siya ng tingin at nagtama ang aming mga mata, binigyan ko siya ng pilit na ngiti.

"Ano iyang binabasa mo?" pasimpleng tanong ko.

Binigyan ako ni Ele ng bored na look, saka niya ipinakita sa'kin ang cover ng book.

"Twenty Thousand Leagues Under The Sea," an'ya.

Biglang kumislap ang mata ko nang marinig ang title nito. "Talaga? Twenty Thousand Leagues Under The Sea? Jules Verne?"

Kumunot ang noo ni Ele at nagtataka siyang tumitig sa'kin. "Have you read this book?"

Umiling ako. "Hindi. Pero may nabasa lang ako sa internet na summary niyan. Medyo interesting nga eh."

"Twenty Thousand Leagues Under The Sea?" bigla na lang sumabat si Neil. Nilingon niya kami ni Ele at nakisali sa'ming usapan. "Aba! Maganda 'yang story na 'yan! Verne 'yan, pre! Verne! One of my favorite author!"

Proud na proud siya habang sinasabi ang mga salitang iyon.

Inismidan naman siya ng aming club leader. Pailing-iling na bumalik sa pagbabasa si Ele at saka bumulong, "No one's asking."

"Hoy, Ele! Narinig ko 'yon!" bulyaw bigla ni Neil.

Nag-"tss" na lamang ang club leader namin habang 'di inaalis ang mata sa kaniyang binabasa.

Nag-make-face si Neil kay Ele, saka siya biglang bumaling sa'kin nang nakangiti naman.

"Alam mo ba, Eu, idol ko sa story na iyan si Captain Nemo!" masiglang an'ya.

Napataas naman ang kilay ko. "Talaga? 'Yung may-ari ba iyun ng submarine sa story?"

"Oo!" Neil immediately replied. "Balang araw, gusto kong maging engineer at gumawa ng advance technology kagaya ng high-tech submarine ni Captain Nemo."

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Where stories live. Discover now