Chapter 13

4.2K 205 9
                                    

CHAPTER 13

Eureka's POV

AT AROUND NINE o'clock, finally, nakabalik na ako sa apartment building ni Auntie Ester.

Sa sobrang pagod sa biyahe, para akong zombie na naglakad papasok ng aking apartment unit, bitbit-bitbit ang aking backpack.

"Oh? Mabuti naman at nakabalik ka na?" Tumambad sa'kin si auntie na nagwawalis sa sala ng unit ko. "Kamusta naman? Nag-enjoy ka ba?"

"Ayos lang naman po." Walang-wala na ang energy ko at pati boses ko'y parang pang-zombie na rin.

"Hala, mukhang pagod na pagod ka? Naghapunan ka na ba? Gusto mo ipagluto kita?" sunod-sunod na tanong ni auntie, saka niya hininto ang pagwawalis upang lumapit sa'kin. "Ano? Sabihin mo, anong gusto mong ulam?"

Walang gana akong ngumiti at umiling. "Hindi na po, auntie. Kumain na po ako ng hapunan. Matutulog na lang po muna ako. Sobra po kaming jetlag sa biyahe eh."

"Ah, gano'n ba? Oh siya sige. Pahinga ka na."

"Sige po."

I dragged my body toward my room, tossing my bag somewhere at the corner. Then, I immediately plopped down on my cozy bed like a robot with drained battery.

Uuuh... I'm too exhausted!

Ni walang palit-palit ng damit, ayun, bumagsak ako sa kama na parang lantang gulay.

Without a minute, unti-unting nag-shut down ang sistema ko. Pumikit ako at hinayaang maglayag sa dreamland ang aking diwa.

And by that, I knew that I already fell asleep.

* * *

A DAY AFTER tomorrow arrived. Yes, it is Monday. Weekdays again!

The sun rises at the east, the official guards open the school's gate and many students randomly enter our beloved Arthur's High.

Hinawakan ko ang straps ng aking backpack, saka naglakad sa malawak at medyo crowded na pathway ng paaralan.

Kahit saan ako lumingon, puro estudyante ang nakikita ko. Maingay at masigla ang ambiance ng school ngayong umaga.

I proceed walking.

Pero hindi katulad dati na mag-isa lang akong naglalakad sa gilid ng daanan, ngayon ay iba na ang sitwasyon.

From now on, I am not alone, 'cause I have these four pals who'll walk beside me starting now and hopefully... until for lifetime.

"Monday, school day, busy day!" energetic na sambit ni Genesis.

"Hay, oo nga!" dugtong naman ni Suzy, sabay simangot. "Sana lang hindi magpa-surprise quiz 'yung terror teacher namin sa science! Kun'di lilechonin ko siya! Grrr!"

"Pfft--! Easy lang, babe!" sabat naman ni Neil, sabay himas ng likod ni Suzy. "Ayokong naha-highblood ka. Dapat kalma ka lang, dahil mas maganda ka 'pag kalmado. Hehehe."

"Hanep na babe 'yan!?" mabilis na umaktong kukutusan ni Suzy si Neil, ngunit hindi niya ito naituloy.

Ba naman, alertong humakbang paatras si Neil at nagtago sa likod ni Ele bilang shield. Aba! Kabisadong-kabisado na niya si Suzy kaya maagap siyang nakaiwas sa kutos nito.

"Sige, babe, subukan mo!" hamon ni Neil na ngayo'y tagong-tago sa likod ng club leader namin. "Subukan mo!"

Hindi nagsalita si Ele. Bagkus ay hinayaan niya lang si Neil na magtago sa likod niya, habang si Suzy naman ay nagpipigil ng galit.

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Where stories live. Discover now