Prologue

16.7K 376 36
                                    

________________________________________

________________________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eureka's POV

Super human.

Naniniwala ba kayo doon? Well, believe me or not... Ako, oo.

But not magically. Frankly, it's more on... Hypothetically.

Dati kasi...

Normal lang akong nabubuhay simula noong bata pa ako. But when I turned thirteen, may nangyari sa'kin na hinding-hindi ko makakalimutan.

Isang car accident.

I saw myself bleeding, blurry vision. Nakatagilid ang kotse, kung saan nakahandusay ako at duguan sa backseat.

I only saw smokes and shattered glasses. Everything was such a mess and I felt so dizzy.

That moment, kinitil no'n ang buhay ng mga magulang ko. Pero ako... Ako lang ang nakaligtas.

I remembered, slowly opening my eyes. Everything is white. The ceiling, the walls, my bed, the hospital gown that I wear, and the beeping machine beside me. Tubes were injected on my skin. I realized, I was in a hospital room.

So, I lay still on my bed.

Ang mga doctor at nurses, they were wearing white lab gowns and uniforms, too. They were surrounding me. And when they saw that I woke up, bigla na lang silang nagkagulo.

I've heard them shouting, "SHE WOKE UP! THE PATIENT GAINED CONSCIOUSNESS! IT IS A MIRACLE!!!"

Ikinagulat raw ng mga doctor kung paano ako naka-survive sa kamatayan.

It's a miracle! Sabi nga nila.

I woke up from an almost one year coma.

Simula noong araw na 'yun, si Tita Ester na ang nagkupkop sa'kin. Kapatid siya ng papa ko. Isa siyang landlady, nagmamay-ari siya ng isang apartment building. Kinuhaan niya ako ng isang unit mula doon at doon niya na rin muna ako pinatira.

Akala ko ay kakayanin ko ulit mabuhay nang normal, 'gaya dati.

Hanggang sa ilang araw matapos kong ma-discharge sa hospital, nakaramdam ako ng pag-iiba sa'king sistema.

Specifically, sa'king memory.

'Yung tipong ang dali kong makaalala ng mga detalye. Ang bilis ko ring makapag-memorize at maka-catch up ng informations.

Hindi lang 'yun... Malinaw ko ring natatandaan ang mga nangyayari sa'kin sa mga lumilipas na araw. As in, madetalye ang pagkakaalala ko. Maging ang exact setting at kahit maliliit na bagay ay natatandaan ng utak ko.

Ang nakakabagabag pa, hindi ko 'to madaling nakakalimutan. Ay mali, hindi ko 'to literal na nakakalimutan.

Para bang nagi-stuck ang impormasyon sa utak ko at hindi na 'to naaalis.

Natakot akong ipaalam ito kay Tita Ester dahil baka dalhin niya ako sa doctor. Hindi sa takot ako sa mga doctor, wala lang talaga akong tiwala sa kanila.

Kaya sinubukan ko na lang na patagong mag-research, para ako lang ang nakakaalam.

I locked myself in my room, with dim lights. I faced the desktop on table, the only source of light inside the room was my computer's screen, and I did my research.

Then I encountered this word...

"Hyperthymesia"

It is a condition which leads people to be able to remember an abnormally large number of their life experiences in detail.

Which means, parang isang unlimited vault ang aking utak na pwedeng pasukan ng overloading na informations. Hindi lang 'yun, ang mas nakakagulat pa ay nage-expand ang aking memorya base sa dami ng impormasyong nakakalap ko.

I literally forget... Nothing.

Sabi din sa internet, sixty na tao pa lang ang nada-diagnose ng ganitong sakit.

It means, super rare ng chronic disease na 'to.

It's more on... special. A gift to human who possessed this kind of ability.

Fortunately or unfortunately... I'm one of them.

* * *

.

.

.

A/N:

If you like, just wanna say that you could follow and interact with the Author on her Instagram Account. For shortcut, click the link on her profile's description. Thank you!

 Thank you!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon