NYC:12

727 38 1
                                    

NYC : 12

EUREKA'S POV

AFTERNOON STRIKES THE day. Tirik ang araw at nandito pa rin kami sa Time Square, specifically, sa isang cafe.

Yes, cafe. Just smell the aroma of cofee and feel the cool of ventilation inside the cafe's establishment. Hindi gano'n kadami ang mga tao rito, saka napakalawak ng espasyo.

Brown and black and theme ng cafe na 'to, with cute anime-ish drawings of cups and frappes on the walls. Waiters and waitresses are walking around, serving orders, with trays on their hands.

Nandito kami nakapwesto sa gilid, malapit sa glass walls. Pa-square ang aming lamesa. Magkatabi sina Ele at Jonathan, while I'm sitting across the table, sa tapat nila.

Jon slurped a caramel frappe, and rested his back on the chair.  "Harmless naman pala si Ma'am Jane, sabi ni uncle. So? Tutuloy pa rin ba natin ang game?"

Binaba ko ang hawak kong hamburger, saka sumimangot. "Ewan ko. Kahit na hindi delikado si Miss Jane, hindi pa rin natin masisiguro na safe tayo. Malaki ang New York at marami ring tao. Maraming posibleng mangyari."

"May punto ka naman do'n, Euri..."  Tumango-tango si Jonathan.

I added,  "Mabuti pa ngang 'di na natin ituloy ang mission. Nag-offer naman si Mr. Morgan na susundin niya tayo in case na 'di tayo matuloy, 'di ba?"

"Oo, KUNG hindi tayo tutuloy. Eh, ikaw, pre..."  Biglang siniko ni Jon ang katabi niya. 

Napatingin din tuloy ako kay Ele. 'Yung mukha niya, wala pa ring pinagbago. Palaging naka-pokerface, kahit may hawak na cup ng coffee.

"Tuloy o hindi tuloy?"  dugtong ni Jon.

Napaangat ang mata sa'kin ni Ele at nagtama ang mga mata namin. He just stares at me blankly.

Oh? An'klaseng titig 'yan, ha?


"Let's finish this mission,"  he said.

Naningkit naman ang mata ko. "And why so? Hindi natin assure ang kaligtasan natin dito. It is too risky."

"Oh, pa'no ba iyan? Agree sa'kin si pareng Ele!"  Tumawa si Jonathan sabay akbay sa katabi niya.

Lumukot ang mukha ni Ele nang maramdaman ang pag-akbay sa kaniya ni Jon, kaya't mabilis niyang ginalaw ang balikat niya. Napanguso na lang si Jon kaya't tinanggal niya ang braso sa balikat nito.

Jon scoffed, "Suplado mo naman."

Ele ignored him. Sungit talaga niya. Wala na 'ata siyang chance na magbago. Forever cold.

"Bakit naman? Hindi tayo sigurado na safe dito. Malay ba natin sa mga tao sa New York? Baka may madisgrasya tayo nang wala sa oras,"  I put the topic back.

Ele, like a prince, looked down while slicing the chocolate cake on his plate.  "Not because other members of JD Club weren't here, doesn't mean we are going to miss such chance."

Nag-angat ulit ng mata si Ele sa akin. Nakaka-intimidate 'yung aura niya dahil napaka-elegante niya kung kumilos.

"Let me remind you, we are still members of JD Club. We carry the name of our group,"  aniya.  "This is a task of codes. This is our zone. This is the reason why our club was formed, to decode mysteries... To unravel opportunity like this."

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon