Chapter 19

3.6K 185 5
                                    

CHAPTER 19

Eureka's POV

"WALA BANG KATAPUSAN ang tunnel na 'to?"  

Hindi ko alam kung pang-ilang ulit nang tinanong iyan ni Suzy. Kanina ko pa naririnig ang tanong na 'yon mula sa kaniya pero hanggang ngayo'y wala pa rin itong malinaw na kasagutan.

"Magkakalahating oras na tayong naglalakad, guys, pero 'di ko pa rin matanaw-tanaw ang dulo ng lagusan na 'to... GRABE!" napapagod na reklamo ni Genesis.

"Mapuputol na 'ata itong mga paa ko!"  Pati rin si Neil ay mukhang pagod na pagod na rin.

Si Ele naman, as usual, nanatili siyang tahimik at walang reklamo. Prenteng nakapamulsa at nasa unahan ang mga mata.

Ako ang nangunguna sa'ming lima dahil nasa akin ang flashlight. Ako ang nag-iilaw ng aming madilim at makitid na dinadaanan.

Nilingon ko silang apat at nakita ko ang exhausted expression sa kanilang mga mukha, bukod sa'ming leader.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa dahil mukha silang zombie na naglalakad.

Bumuntong-hininga ako, saka bahagya kong siniko si Ele. Agad naman siyang napalingon sa'kin nang nakataas ang dalawang kilay.

"What?"

"Magpahinga kaya muna tayo," suhestiyon ko, saka nginuso ang tatlo naming kamiyembro.  "Mukhang pagod na sila oh."

Nilingon ni Ele sila Suzy, Neil, at Genesis. Nang ma-realize niya na tama ako, bumuga siya ng malalim na hininga.

"Fine,"  he approved and turned to those three poor teenagers.  "Everyone, let's take a break."

At eksaktong pagkasabi niya n'on, agad na dumausdos paibaba ang tatlo. Napaupo na lang sila sa malamig at mabatong sahig nitong tunnel, habang nakasandal sa isa't isa.

"Thanks goodness!"

"Mabuti naman at naisip mo 'yon, Ele!"

"Hay~ Kapagod!"

Komento pa nilang tatlo.

Umupo rin ako sa tabi nila at ipinahinga rin ang aking mga paa na medyo namamanhid na sa kalalakad.

Si Ele naman ay nanatiling nakatayo, sumandal lang siya sa mabatong dingding at doon ipinahinga ang kaniyang sarili.

"Grabe, nagsisimula pa lang ang adventure natin, pero parang ubos na 'ata agad ang buong energy ko..."   Suzy stated, habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kaniyang kamay.

"Kapit lang, guys. Malay n'yo, sa dulo pala ng tunnel na 'to ay naroon na ang Atlantis!"   pangungumbinsi ni Neil.  "Oh 'di ba? Our hardwork will be worth it!"

Narinig ko ang matunog na pagbuntong-hininga ni Genesis.  "Hay... sana nga."

Oo, sana nga.

But...

But what if, at the end of this tunnel, there's nothing? What if there's no Atlantis? What if we're just wasting time to search for something that we'll never find? What if we're just lost and there'll be no fruit of our hardwork?

Those negative questions keep bothering my head. Dahil sa mga iniisip ko, hindi ko namalayan na napalakas pala ang pagbuntong-hininga ko.

"Hay~"

"Something's bothering you?" 

Napatingala ako nang marinig ko ang tanong ni Ele. Nagtama ang mga mata namin. Nakakunot ang kaniyang noo at siya'y humalukipkip.

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Where stories live. Discover now