Chapter 15

3.9K 179 30
                                    

CHAPTER 15

Eureka's POV

"WOOOWWW!!!"

KAGAYA KO, nawindang rin ang mga club-mates ko nang ipakita ko sa kanila ang laman ng box.

Ngayon ay nasa loob kami ng aming club room, sa school's basement. Nakaupo lang ako sa sofa habang 'yung apat naman... ayun... kasalukuyan silang nakapabilog sa lamesa, kung sa'n nakalapag ang box na natanggap ko kagabi.

Lahat sila'y nakadungaw sa loob ng kahon na iyon. Kitang-kita rin sa mga mukha nila ang pagkawindang.

"This is... Insaaannneee!"  exaggerated na wika ni Genesis. Kinuha niya ang laman ng kahon at bahagya itong inangat upang makita naming lahat.

Ang mga iyon ay, walang iba kun'di mga... passports with visa and airplane's tickets.

Ang mga dokumentong iyon ay tig-iisa nakapangalan sa'min. And yes, those formal documents lead a flight to... Guess where?

"We're flying to Florida USA!!!" sigaw ni Neil na sobrang saya.  "Yes! Yeeesss!"

Kinuha ni Ele ang mga passports mula kay Gen, saka niya ito isa-isang binuklat at seryosong pinag-aralan.

"Hm..."  Ele's eyes turned into slits as he scan the documents.  "The stamps seemed clear and clean. No doubt, totoo nga ang mga passports and tickets na 'to."

He confirmed as he dropped those documents over the table.

"OMG! OMG!" Hindi mapakali si Suzy habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kaniyang kamay.  "So, tuloy na tuloy na nga tayo sa'ting operation— Atlantis! Oh my gosh! I'm so excited!"

"Nice! Mukhang botong-boto si Tita Eli kay Eureka 'no?" Neil said, grinning widely at me.  "Mantakin mo 'yon? Sa'yo pa talaga pinadala 'tong package imbes sa mismong anak niya. Hahaha!"

Pilit akong ngumiti, saka napakamot sa'king noo. "Iyon nga rin ang pinagtataka ko eh. Bakit sa'kin niya pina-deliver iyang box, hindi ba dapat sa'yo, Ele?"

Tumingin ako sa'king club leader at sinuklian niya naman ako nang malamig niyang mga mata.

"My mom is a hopeless romantic. Nakita mo naman kung paano siya makitungo sa'yo no'ng nasa Ilocos tayo 'di ba? She'll do anything just to search for a girl to fit in my life. Gagawin niya ang lahat, kahit gumastos pa siya ng malaki, para lang kunin ang loob ng babaeng gusto niyang ipagkasundo sa'kin,"  aniya.  "Let's just say na ginagawa ito ng mom ko dahil nga nagbabaka-sakali siyang maging tayo."

Halos masamid ako sa huling sinabi niya, pero agad naman siyang humirit ng pahabol.

"But, sorry to say, that's too impossible."

Ele finalized his word, before he leaned his back against the wall and crossed his arms.

Ngumiwi naman si Suzy at umupo rin sa sofa, katabi ko.

"Ele's right. Gano'n na gano'n nga ang ugali ni tita," she said. "But, hey! It doesn't matter right now. What truly matters is we have now passports and tickets. Meaning, we're allowed to travel! 'Di ba iyon naman talaga ang goal natin? To travel and search for Atlantis."

"Tama!"  Neil exclaimed.  "At dahil d'yan, kailangan na nating i-inform tungkol dito si Sir Morgan, nang sa gayun ay makagawa na siya ng excuse letter para sa'ting lima."

"I agree," Genesis' second emotion.  "The earlier we inform him, the earlier we could have his confirmation."

Tumango kami bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Where stories live. Discover now