Epilogue

4.5K 186 54
                                    

A week after...

"Auntie, papasok na po ako," wika ko saka sinabit ang backpack sa'king balikat.

Mabilis akong lumabas ng aking kwarto at nadatnan kong nanonood ng TV si Auntie sa sala. "Sige, mag-ingat ka!" aniya.

Lumabas ako ng apartment unit ko at nagtungo palabas ng building. Sinalubong ako ng katamtamang sikat ng araw. Fresh pa ang hangin dahil alas-siyete pa lang ng umaga.

May nakasalubong akong nagja-jogging, may namamasyal kasama ang mga pet nila, may mga nagba-bike sa main road, kaunti pa lang ang mga kotse o motorsiklo. Nagsisimula na ring magsibukasan ang mga tindahan at ilang establisimyento sa gilid ng kalsada.

I smiled while watching my surroundings. I miss this village, with typical people and serene environment. I breathe in, breath out, and keep walking downtown.

Maya-maya'y kumunot ang noo ko nang may mapansin akong kumpol ng mga tao. Nagkukumpulan ang mga tao sa tapat ng isang TV store, animo'y may chismis roon na sobrang nakakaintriga. Balak kong balewalain at lagpasan lamang ang mga ito, pero nang mahagip ng mata ko kung ano ang pinagkukumpulan nila... natigilan ako.

"This is a major news, everyone! It was said that a piece from the lost empire, Atlantis, was found by these scientific scout rangers. Is it true or a hoax?" sabi ng news anchor na nagre-report sa TV.

Ang mga tao'y nagkukumpulan sa harap ng telebisyon at tutok na tutok sa panonood ng balita.

I nonchalantly smiled. Hindi ko na tinapos ang balita dahil nagpagdesisyunan kong tumuloy na lamang sa paglalakad.

As I made my way down the pedestrian lane, I've encountered group of students, like me, who are passing by. Nakatungo sila sa kani-kanilang mga phone at nagi-scroll down ng kaniya-kaniyang mga screens.

"Gosh, totoo ba 'to?" bulong ng isang estudyante habang nakatitig sa smartphone na hawak.

"This is unbelievable! Ano sa tingin mo?" react naman ng katabi niyang isang estudyante rin.

"Oo nga eh. Nakakagulat nga ang balita 'no?" at wika naman ng pangatlong estudyante.

Nang malagpasan nila ako, sinundan ko na lamang sila ng tingin. Ilang sandali pa't may nadaanan naman akong isang tindahan. Dahil transparent ang pader ng tindahan, nakita ko sa loob ng establisyimento ang isang shelf kung saan naka-display ang mga updated daily newspapers. At ang makaagaw-pansin rito ang nasa front page ng dyaryo.

It's a picture of a familiar shiny winged-machine, beside that machine, a familiar mid-thirty years old man and a young woman- wearing the same uniform- were standing. And below that picture, an enormous caption was highlighted saying...

"RETURNED FROM THEIR EXPEDITION, BRITISH SCOUT RANGERS DISCOVERED AN ANCIENT AIRCRAFT THAT WAS SAID TO BE A PIECE FROM ATLANTIS, FACT OR NOT?"

Balak ko sanang basahin ang nilalaman ng artikulo, pero hindi ko nagawa dahil pinagkumpulan na ng mga mamimili ang dyaryo sa loob ng tindahan.

Everyone seems hooked up with that bombing news, huh? Sa isip-isip ko.

Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagtahak sa kalsada. Natatanaw ko na mula sa'king nilalakaran ang Arthur's High. Hindi ko maipaliwanag ang galak na nararamdaman ko dahil, sa wakas, nakabalik na rin ako! Nakaka-miss rin palang mag-aral 'no?

Pagkapasok ko ng tarangkhan, sinalubong agad ako ng dagsa-dagsang estudyante na nakakalat sa loob at labas ng school-building. Walang pagbabago. As usual, maingay at buhay na buhay ang ambiance ng buong eskwelahan.

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon