Chapter 24

3.3K 174 29
                                    

CHAPTER 24

Suzy's POV

FROM DEFINITE DARKNESS, unti-unti akong naalimpungatan. Ramdam ko ang malamig na sahig kung saan ako nakahandusay.

Inangat ko ang aking sarili at kinusot nang bahagya ang aking mata. I groaned and tried to recover my clear vision.

"Huh?" Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na iba na ang setting ng buong paligid.

Currently, I'm inside a four cornered room made of hard rocks. Estimated ten by ten meters lang ang laki ng silid na 'to. Nakakapagtakang wala akong makitang pintuan. Napansin ko rin ang mga 'di ko mawaring simbolo na nakaukit sa pader. It's Greek and other enigmatic patterns.

Wala akong maintindihan doon.

Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay 'yung kisame na puno ng spikes. Yes, as in spikes. Sharp set of spikes made by metals were designed on the ceiling. Napalunok na lang ako, silently praying to not let those spikes fall down on me.

Just what the heck?! Sino naman ang gagawa ng silid na walang pinto at punong-puno ng spikes ang kisame?! This is horrible!

"U-Ugh..."

May narinig akong pamilyar na boses. Pinihit ko ang aking ulo at nakita ko si Neil na kaka-recover pa lang ng kaniyang kamalayan.

He rubbed his eyes before he stood up and roamed his sight around. Natigilan lang siya nang magtama ang aming mga mata.

"Where are we?" he asked while frowning.

"We're lost, obviously," pambabara ko.

"Nasa'n iyung iba?" follow-up question niya.

Nagkibit-balikat naman ako. "Don't know. Mukhang na-separate tayo sa kanila. Nagising na lang ako't... Heto! Nandito na tayo sa loob ng... ng... Weird place na 'to. Ugh! Gosh!"

Umirap ako at kunot-noong inilibot ang aking paningin. Wherever I look, wala talaga akong makita niisang lagusan palabas ng maliit na silid na ito. Well, that's impossible. Hindi kami mapupunta rito kung walang pinto o kahit anumang lagusan. I'm sure there's a way out here... But I'm also sure that it's safely hidden somewhere.

"So... Tayo lang pala dalawa ang nandito." Humalukipkip si Neil at naramdaman ko ang pagtayo niya sa'king tabi.

His eyes darted on me with mischievous smirk on his face. Bigla na lang bumilis ang tibok ng aking puso, pero tinago ko 'to habang tinititigan siya nang masama.

"H'wag ka ngang masyadong lumapit sa'kin. Eeww~ baka mahawa pa ako sa cyber-nerdism mo!" Kunwaring pag-iinarte ko.

Pero ang totoo niyan, I like the way he always teases me. I admit na may gusto talaga ako kay Neil in the first place. But sometimes he can be so annoying that makes me hate him. As in!

So, yes, I have a crush on him. But in contrary, I hate his guts. Tch.

"Aysuuus, 'ge lang. Arte pa," aniya sabay halakhak. "For all I know, baka nagdidiwang ka na sa loob-loob mo dahil na-trap ka lang naman sa isang lugar kasama ang gwapong katulad ko. Haha!"

Yup. He's gwapo. But he's also nakakairita. You know that?

Sa sobrang inis ko ay hinampas ko ang braso niya. Hard. Pak!

"Aray!" daing niya.

"Alam mo? Kaysa magbuhat ka ng sarili mong bangko, why don't you just think of a plan on how to get us out of here?!" suggestion ko sabay nagpamewang.

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Where stories live. Discover now