Chapter 8

4.5K 215 45
                                    

CHAPTER 8

Eureka's POV

MATAPOS MARINIG ANG balita ni Neil, we immediately went upstairs (to our usual tambayan) to figure out what's inside the flashdrive.

Kasalukuyang nakalapag ang laptop ni Neil sa surface sa rooftop. At dahil walang upuan dito, lahat kaming club members ay nakaupo din sa sahig habang nakapalibot sa naturang laptop.

Neil injected the USB drive and a window immediately popped up on the screen. Ilang beses munang nag-loading ang window na iyon, hanggang sa isang folder ang lumitaw sa screen.

•••/•/-•-•/•-•/•/-

"What on earth is this?" tanong ni Neil nang makita niya ang name ng folder.

Maging ako ay nagtakha nang makita iyon. But... Familiar sa'kin ang dots and dashes na iyon. I knew I encountered that code back then.

"That's Morse Code," I said.

Dahil doon, napalingon sa'kin sila Genesis, Suzy, and Neil. Their faces seem surprised.

"May alam ka sa mga code, Eu?" tanong ni Suzy na may halong pagkamangha.

"Medyo," sagot ko naman. "Dati kasi ay mahilig akong magbasa ng detective novels. Nagkataon lang na na-encounter ko ang code na iyan."

"So that means, kaya mong basahin ang code na iyan?" Pagtukoy ni Genesis sa name ng folder.

Umiling ako. "Hindi. Hindi naman kasi ako interesado na mag-aral ng codes eh."

Napa-aah na lang sila habang patango-tango nilang ibinalik ang kanilang mga mata sa laptop.

"Secret," out of nowhere, Ele spoke.

Dahil doon, nabaling ang atensyon namin sa kaniya. Tinitigan namin siya nang may pagtatakha.

"Secret? Anong secret ang sinasabi mo d'yan, Ele?" Neil asked.

Hindi inalis ni Ele ang kaniyang blangkong mukha, habang nananatiling nakatitig sa screen ng laptop.

Then he spoke as he pointed out the folder's name. "Secret ang ibig sabihin ng Morse Code na iyon."

Eh?

I was quite impressed. He can read codes?

"Huh?!" Suzy exclaimed. "Seriously?! Nababasa mo iyon, Ele?!"

"Tch. Obviously," Ele answered with a bit of sarcasm.

Ang cold niya talaga.

"As expected, ang galing talaga ng club leader natin! Hahaha!" papuri ni Genesis at tinapik-tapik ang balikat ni Ele. "Iba na talaga 'pag matalino! Hahaha! Pati 'yung pang-alien na sulat eh nababasa."

"Hindi 'yun pang-alien," depensa naman ni Ele, saka matalim na tinapunan ng tingin si Gen. "People use Morse Code to communicate via telegram. It's not some extraterrestrial writing, it's a form of hiding message with high sense of creativity."

Napatikom ang bibig ni Genesis matapos siyang barahin ng aming club leader.

"Ooohhh!" komento naman ni Neil, sabay halakhak. "Pfft--hahahaha! Ayan kasi, nood pa ng Star Wars! Pati tuloy utak mo napapasukan na ng alien! Hahaha!"

Sinamaan lang siya ng tingin ni Genesis.

"Manahimik ka nga!" Malutong na batok naman ang natanggap niya mula kay Suzy.

"Ouch! Oo na, mananahimik na nga..." Neil surrendered, pouting his lips with a hint of annoyance.

Hay naku! Ba't ko ba naging kaibigan itong mga 'to? Bukod sa mga weirdo sila katulad ko, para rin silang mga bata kung magbangayan.

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz