Chapter 26

3.2K 185 21
                                    

CHAPTER 26

Eureka's POV

AS WE ENTERED the door of this great tower, which is the core of Atlantis, our eyes saw nothing but large walls and spiral stairs.

Yes, as in, walang ibang narito sa loob ng tore bukod sa malaking espasyo, nagtataasang pader na gawa sa bato, at ang spiral na hagdanan na hindi ko alam kung ga'no kataas.

"Hello?" wika ni Suzy at nag-echo lamang ang boses niya sa kabuuan ng abandonadong tore.

Napaka-tahimik ng lugar na 'to. Sinubukan naming tumingala upang silipin kung hanggang saan ang abot ng hagdanan, ngunit sa sobrang taas nito'y parang imposible naming makita ang dulo nito.

And because there's nothing down here but complete emptiness, we had no choice but to climb the spiral staircase and see what's up there.

So, ayun, sabay-sabay kaming umakyat ng hagdan. Wala kaming kaide-ideya kung ilang steps ang staircase na 'to, basta na lang namin itong inakyat nang hindi nagdadalawang isip. Ang hindi ko alam... Panibagong misteryo ang naghihintay sa'min sa itaas nito.

After three minutes, first twenty steps...

"Hm, ga'no kataas kaya ang hagdan na 'to?" kunot-noong tanong ni Neil.

Nagkibit-balikat naman si Genesis. "Malay ko. Ba't ako tinatanong mo, ako ba gumawa ng tore na 'to?"

Dahil d'on binatukan siya ni Neil. Poink!

"Loko, pilosopo!"

Haysh. Itong dalawang ito talaga... Tsk tsk tsk. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy sa pagtahak ng hagdanan paitaas... Nang tahimik.

After another three minutes, 50'th step...

"D*mn! Ilan bang steps ang hagdan na 'to?" reklamo ni Suzy habang kamot-kamot ang ulo.

Bumuntong-hininga si Ele at inunahan siya sa pag-akyat. "Just go and stop asking."

Umirap si Suzy at nag-make-face, bago nagpatuloy sa paghakbang paitaas. Sumabay siya sa'kin at niyakap ang braso ko, saka bumulong, "Sungit. Psh!"

Napailing na lamang ako.

Additional round of ten minutes, 100'th step...

"A-Argh..." Panandaliang huminto si Mr. Landers at humawak sa kaniyang tuhod habang hinahabol ang kaniyang hininga. "This is tough."

"Uncle, are you alright?" Zharina caressed her uncle's back.

Dahil d'on ay napatigil rin kaming lima sa pag-akyat at nilingon namin ang ginoo. Nakita kong pilit na ngumiti si Mr. Landers at humugot ng malalim na hininga, saka ito ibinuga.

"I-I'm fine, just a bit tired," wika nito. "You know, age problems. Hehe."

Dahil medyo may edad na si Mr. Landers, normal lang na madali siyang mapagod sa mga ganitong bagay. Kaya naman naglaan kami ng ilang minutong pahinga sa gitna ng hagdanan, para na rin ma-recover ni Mr. Landers ang kaniyang enerhiya.

After three to five minutes, back on the move ulit kami.

Another round of three minutes, 120'th step...

"Guys! Look!" Suzy exclaimed and pointed her index finger above. "I think that's the end of the stairway!"

Napatingala kaming lahat at sinundan ng tingin ang kaniyang tinuro. And she's right! Agad naming natanaw sa itaas ang dulo ng hagdan, kung sa'n naroon ang pangalawang palapag ng tore.

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon