Chapter 21

3.6K 189 8
                                    

CHAPTER 21

Eureka's POV

OUR QUEST BEGINS. It's another round of mystery to solve and enigmas to unravel.

Sinubukan naming humanap ng daan pababa ng bangin. We're determine to get to that abandoned city, which is the Atlantis based on our theories and observation so far.

Fortunately, may nailabas na compass si Mister Ned Landers. He's a scout ranger, as he told, so bringing a compass along the trip is a basic doing in his profession. Base sa old golden compass ni Mister Landers, nasa "east" ang syudad. Kailangan lang naming sundin ang direksyong pa-silangan nang sa gayun ay 'di kami mawala habang tinatahak ang masukal na kagubatan pababa sa matarik na kakahuyan.

"This way, kids." Mister Landers leads the way with the help of his navigating device. The compass.

Kaming lima, kasama si Zharina, ay sumunod lamang sa ginoo. Bumuntot kami sa likod ni Mister Landers nang sa gayun ay 'di kami maligaw.

As I expected, the path that we're taking is too dangerous for a young inexperienced teens like us. Dahil nga paibaba ang daan na aming nilalandas, may mga instances na nadudulas kami o 'di kaya'y nadadapa. But the good thing is, agad kaming bumabangon upang ipagpatuloy ang aming paglalakbay. Pa-slant kasi ang lupa na aming nilalakaran, kaya naman hindi maiwasang may maaksidente, lalo na't gubat ito at maraming mga kahoy, bato, dahon, insekto, at kung anu-ano pang sagabal sa daan.

One moment, the soil turned out slippery and Zharina accidentally slipped off, almost gone out of balance. Luckily, the knight in shining armor- Genesis- was there to save her. Mabilis na naalalayan ni Gen ang braso at baywang ng dalaga, kaya naman na-prevent niya ang tuluyang pagbagsak nito.

"Thank you," Zharina sweetly said as she gained back her balance, then tucked some strand of her hair behind the ear.

Genesis smiled back at her and said, "Be careful next time, okay?"

Zharina just bobbed her head as a response. She and Gen locked an eye-contact for almost ten seconds, as if admiring each other's sparkling irises.

Kulang na lang ay 'yung heart background, para romantic effects.

Napansin ko ang pagpipigil ni Neil ng tawa. Si Ele ay walang reaksyon. Nagkatinginan naman kami ni Suzy at binigyan niya ko ng makahulugang tingin.

"Ehem," tumikhim si Mister Landers, kaya agad na natauhan ang dalawa.

Mabilis na humiwalay si Gen sa binibini. Si Zharina naman ay napaiwas na ng tingin, nagba-blush pa.

Isang matalim at taas-kilay na tingin ang pinukol ni Mister Landers kay Genesis, kaya naman napayuko at napakamot-batok na lamang ang binata.

"Wew, love-life alert," bulong ni Neil sa katabi niyang si Ele.

Natawa nang bahagya si Suzy at napailing na lamang ako.

"Let's continue?" tanong ng ginoo.

"Um... Y-Yes, sir," sagot ni Gen, sabay pilit ng ngiti.

It was kind of awkward but sweet at the same time. Mukhang may gusto si Gen kay Zharina. Well, who wouldn't? Napakaganda ni Zharina lalo na't may lahi siyang British. At mukhang bet din ng dalaga ang co-member namin. Hihi!

And after that, we proceed our track down the sloped wilderness. The inclined woodsy route really gives us a hard time. But we still ain't give up.

At the midst of our journey, wala kaming ibang narinig kun'di ang aming mga yabag at pagtapak sa mga tuyong dahon sa lupa. May mga ingay din ng kuliglig o 'di kaya'y huni ng ibon o mga kaluskos mula sa mga maliliit na hayop sa tabi-tabi. Mataas ang sikat ng araw ngunit 'di maalinsangan ang paligid, salamat sa mga puno na naglilimita at nagpoprotekta sa'min mula sa init ni haring araw. Kalmado ngunit misteryoso ang atmosphere sa loob nitong kakahuyan, habang sama-sama namin itong nilalandas paibaba.

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Where stories live. Discover now