Chapter 16

3.9K 184 5
                                    

CHAPTER 16

Eureka's POV

["EUREKA, ANG LAGI kong bilin sa'yo ha? H'wag kang lalapit o makikipag-usap sa 'di mo kilala. H'wag kang magpapagutom. At h'wag kang lalayo sa mga kaibigan mo. Understood?"]

I heard Auntie Ester's voice from the phone I'm holding over my ear. I smiled and immediately responded.

"Opo, auntie. H'wag po kayong mag-alala sa'kin. Mag-iingat po ako rito."

Habang nakikipag-usap kay auntie sa phone, naglakad na agad ako papasok ng NAIA terminal hila-hila ang aking maleta.

Pagkapasok ko sa entrance ng airport, bumungad sa'kin ang lamig ng aircon at ang busy'ng mga tao sa loob. May ilang foreigners, locals, at flight attendants.

Napakalaki ng loob ng airport. Nakaka-refresh din ang aircondition dito. Mas lalong nakakamangha ang lawak ng facilities. And of course, crowded, 'gaya ng aking inaasahan.

"Auntie, ibababa ko na po 'to. Nasa loob na ako ng airport," I said over the phone.

["Hm, sige sige. Ingat ka d'yan, ha? Take care, Eureka!"]

Natawa na lang ako at tumango. "Opo, auntie. Kayo rin po. Ingat kayo. Byeee!"

["Byeee!"]

That was the last words she said before I hung up the call. Isinilid ko pabalik sa'king bulsa ang aking phone, saka ako muling nakisabay sa agos ng mga taong narito sa NAIA.

Hila-hila ang aking maleta, sumakay ako sa umaandar na escalator ng airport. Matapos kong mag-escalator, nakatungtong agad ako sa second floor. Hindi kagaya sa ground floor, mas kaunti lang ang mga tao rito. Naglakad-lakad ako hanggang sa, finally, narating ko rin ang lounge.

Ang lounge ay area sa airport kung saan ay maraming nakahelerang mga upuan. Sa lounge na 'to ay kadalasang nakatambay o naghihintay ang mga pasahero bago matawag ang flight nila.

"Eureka!!!"

From the corner, I saw four familiar teenagers waving at me. May mga dala rin silang bagahe katulad ng sa akin. None other than my club-mates.

Lumapit ako sa kanilang apat, agad na yumakap si Suzy sa braso ko 'gaya ng palagi niyang ginagawa.

"Eureka! Yes, finally! Kumpleto na tayo!"

"Sorry kung pinaghintay ko kayo, traffic eh," wika ko habang nahihiyang ngumiti sa kanila.

Umiling naman si Genesis at sumulyap sa kaniyang orasan. "No worries. Eksakto ka lang. After a minute, tatawagin na ang airline natin."

"Yeah!!! Sooner or later we'll land on Florida USA! Daaang! Nakaka-excite!" Neil can't help his excitement, kaya naman kinuha niya ang braso ni Ele at inalog-alog ito. "Wuhoo! So excited! WAHAHAHA!"

"Tss." Inis naman siyang tinapunan ng tingin ni Ele, saka nito binawi ang kaniyang braso mula kay Neil. "Stop embarrassing yourself. You're acting like a child, again."

The cyber-geek pouted his lips and gave our leader a glare. "Napaka-killjoy mo talaga, Ele!"

Genesis just laughed at them. "Aga ng away n'yo. Eh para ka naman talagang bata, Niel. Cringe."

"Tikom mo 'yang bibig mo, Gen," Neil warned. "Si Ele pa talaga kinampihan mo? E'di magsama kayo."

Napailing na lang ako sa kakulitan ng mga ka-members ko. They'll never change.

Ting!kl

Out of a sudden, the airport's broadcasting speakers were turned on. Then, a female voice was heard for an announcement.

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Where stories live. Discover now