Chapter 3

499 55 14
                                    

"Aga mo nagising ate ah." Sabi ni Gabbi nang pagbaba nito mula sa kwarto ay nasa sala na si Julie at nagbabasa ng libro.

Actually hindi naman ganun kaaga na. Alas onse na nga eh. Si Gabbi naman ang late na natulog dahil hanggang gabi ata ito nag-gala.

"Good morning." Aniya sa kapatid. "Nag work-out din ako kaninang umaga." She said as she smiled at her younger sister.

"Mmm...anong breakfast?" Tanong ni Gabbi habang tinitingnan ang nakahain sa may hapag kung saan tanaw din naman ni Julie mula sa pwesto niya doon sa living room.

Pinanuod niya ang kapatid na binubuksan ang mga pagkain na nakatakip.

"Wow! Ito ba yung eggs benedict mo ate?" Nagniningning ang mata ni Gabbi.

From time to time ay nagluluto din naman talaga siya. And iyong dish na iyon ay favorite nung kambal na niluluto niya.

"Initin mo na lang Gab." She smiled.

Kinikilig na nilagay na ni Gabbi ang pagkain sa microwave.

Humarap ito kay Julie habang inaantay na maluto ang food. "Si Dons ba tulog pa?"

"Kaninang umaga pa umalis. May practice game daw sila sa isang court nung ka team niya." Julie answered. Buhay talaga ng kapatid niya na iyon ay basketball.

"Good. More for me." Sabi pa ni Gabbi na kumikinang pa rin ang mata.

"Good morning ladies." Napatingin sila sa nagsalita at nakita na galing sa labas si Michael.

"Hi daddy." Bati ni Gabbi.

"Morning tito." Julie greeted back before continuing to read the book she was holding.

"Wala kayo lakad ngayon?" Nakangiti na tanong ni Michael. Muhkang good mood ito.

"Tambay lang dito sa house daddy. Dami namin inikutan sa mall kahapon eh." Gabbi replied as she was already eating.

Kumuha naman ng tubig si Michael at umupo sa tabi ng anak.

Narinig ni Julie na tinatanong ng stepdad niya si Gabbi tungkol sa first week nito sa school.

Hinayaan lang niya ang mag-ama na naguusap.

Sakto naman ay nagping ang kanyang telepono.

Her forehead furrowed when she realized it was Donny.

Donato:

Ate nandyan pa si Gabbi?

She quickly typed back a reply.

Me:

Oo bakit aalis ba siya dapat?

Donato:

Akala ko lang hehe. Hindi kasi natuloy yung practice game namin kaya tatambay na lang kami dyan. Yung iba lang naman. Yung iba kasi umuwi na.

Napalunok si Julie.

Tatambay. Sino sino nanaman ba ang bitbit ng kapatid.

Siguro yung kapwa nito freshman tama tama.

Agad naman siyang tumipa sa kanyang telepono ng sagot.

Me:

Ikaw magsabi sa Papa mo. Itext mo na.

Donny:

Sige na nga.

Natawa si Julie nang mabasa ang reply ng kapatid. Alam naman niya kasi na gusto sana ni Donny na siya na lang magsabi kay Michael.

The Way I DoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant