Chapter 30

641 66 239
                                    

It was the day of Michael and Isabel's party.

Hindi naman siya magarbo o kung ano man pero may pa catering si Michael para hindi na mahirapan pumili ng food.

It was sort of like their engagement party but not so formally implemented.

Sa umaga ay nagsimba na sila para hayahay na sa gabi.

Julie turned back to her phone.

Nakailang text na sa kanya si Elmo.

Sinasagot naman niya ito. But her responses were curt.

She just really needed time to think.

Nakaupo sila ni Gabbi sa may living room dahil naghahabol ng assignment ang kapatid.

Julie looked at her phone.

Elmo:

Are you sure you're not mad at me?

Me:

What? Hahaha you're imagining things. I've been really busy. Ngayon pa lang tinutulungan ko na si tito sa wedding preparations.

Binaba niya ang telepono.

Napatingin naman si Gabbi nang binaba niya ang hawak na telepono.

"Sino katext mo? Kanina pa nagp-ping eh."

Julie cleared her throat. "Si Maqui haha kung ano ano lang sinasabi."

"Pero pupunta siya mamaya right?" Gabbi asked as she looked at her older sister.

Julie quickly nodded her head. "Ayun pa." She said as she looked at Gabbi.

Tiningnan niya ang ginagawa ng kapatid.

"What are you doing anyways?"

"May mini thesis kami eh. Bago mag end yung sem." Gabbi answered.

Ah alam na din ni Julie ang ganon. Sa Filipino and or sa English class nangyayari iyon.

Sinilip niya ang mga papeles sa harap ni Gabbi.

Napataas ang kilay niya.

"Bakit ang dami mo pirma dito? Are you practicing?" Julie chuckled as she looked at the paper in front of Gabbi.

Muhkang pinagparaktisan ni Gabbi ang pirma niya.

"E kasi ate ang pangit nung pirma ko nung high school so nagppraktis ako ngayon." Ani pa Gabbi.

Pinagmasdan ni Julie ang pirma ng kapatid. Kita yung G tapos yung Pangilinan. Ang haba nga naman kasi ng apilido.

Tapos nakita niya ang iba pa na ginagamit ni Gabbi, yung mga eksperimento nito.

"Yung pirma mo ate ano itsura?"

Julie grabbed a pen from the side and pulled the paper closer to her before writing down her signature.

Gabbi's head was tilted to the side as she looked at her older sister's signature.

"Saan yung San Jose banda? Kasi kita ko yung J saka yung Anne." Ani pa nito habang tinitingnan pa din nang maigi ang pirma ni Julie.

Natawa si Julie. She looked at Gabbi, contemplating what to say.

"Bakit?" Natatawa din naman na tanong ni Gabbi.

Nagsimula magkwento si Julie. "Nung bata pa kasi ako, nakita ko pirma ni mommy tapos ginagaya ko. Tapos nakwento niya na yung pirma niya daw dati iba, kasi diba ang maiden name niya noon Peñaflorida tapos naging San Jose and then naging Pangilinan na nga."

The Way I DoWhere stories live. Discover now