Chapter 29

606 67 282
                                    

Matapos ang ilang oras din na pagtingin ay nakadesisyon na si Maqui at ang magulang ni Elmo sa pagpili ng sasakyan.

"Congrats Ma'am, Sir!" Sabi ng dealer na nakipagkamay pa sa kanila.

"We'll go back for the cars later." Sabi ni Sandra sa dealer bago hinaharap ang mga kasamahan. "Shall we have lunch?"

There was a twinkle in the older woman's eye as she turned to Julie.

Elmo cleared his throat.

And being charming as she was, Julie nodded her head since the question was seemingly directed at her. "Sure po."

"Wonderful!"

Naglakad na sila papunta sa isang restaurant na malapit lang sa dealership.

It was pretty high end thus only a number of people were there.

"Keep calm okay?" Bulong ni Elmo kay Julie na napatingin sa kanya.

"Moo, I am calm." She chuckled. They were at the back end of the group while the front of house led them to a table at the back.

Napatingin siya kay Elmo. "Pinagpapawisan ka." She chuckled as she wiped his sweat with her hand.

"Hoy mamaya na kayo magharutan dyan." Bulong ni Maqui habang tuloy sila sa paglalakad.

Sa wakas ay nadala na sila ng front of house sa isang lamesa sa likod.

Napapangiti lang din si Julie sa sarili dahil mayaman man ang mga Magalona ay hindi showy ang mga ito.

Si Elmo nga tshirt lang saka shorts. Given na kapag tiningnan ang suot na tshirt ni Elmo ay halatang branded nga ito.

"Julie, Frencheska, order anything you want alright?" Sabi ni Sandra sa kanila nang makaupo na sila sa lamesa.

Napangiti lang naman si Julie at saka sila umorder na ng pagkain.

She was supposed to feel awkward but was surprisingly comfortable around Elmo's parents.

Nang makuha na ng waiter ang orders nila ay hinarap naman ni Chris ang dalawang anak.

"How's the businesses doing hmm? Mosey si Frencheska ang sous chef sa restaurant mo diba?"

Elmo nodded his head as he drank from his water. "Dumadami na din customers dad."

"Wonderful. Kailan ka ba kasi papasok sa Magalona Corp?" Tawa pa ni Chris.

"Kaya na ni Kuya." Sabi pa ni Elmo.

Tumawa lang si Chris habang si Sandra ay napatingin na kay Julie Anne. "Are you in the same grade as Mosey iha? If yes then graduating ka na din?"

"Ah yes po. Business Ad po." Nakangiti na sabi ni Julie.

Agad na sumabat si Chris sa usapan. "Business Ad hmm? When you need your On the Job training, Magalona corporation will hire you."

"Lakas." Bulong ni Maqui kay Julie na kinurot lang ang tagiliran ng kaibigan.

"Thank you po sir."

"Sir? Call me tito! Or dad ikaw bahala." Saka tumawa si Chris.

Elmo covered his face with one hand in distress.

Ngumisi naman si Sandra. "So anyways, maganda yung bagong kotse na nabili it's very spacious din talaga."

"Saan ka ba naghahanda Ma at may spacey na sasakyan? Sa apo?" Tawa ni Frank at muntik na mabilaukan si Maqui sa iniinom na juice.

"Pinapakaba mo naman anak si Frencheska." Tawa pa ni Sandra habang hinahalikan ni Frank ang kamay ng nobya.

The Way I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon