Chapter 4

508 51 25
                                    

Kanina pa tumitingin si Julie sa kanyang wrist watch. Nandito siya ngayon sa may cafeteria sa south gate ng kanilang university.

Hindi niya mabilang kung pang-ilang beses na niya tiningnan ang kanyang wrist watch. Kanina pa kasi niya hinihintay si Barbie saka si Sanya.

Maglalagay lang daw ng gamit sa locker.

Pero ayun nga nasa may West building kasi ang locker ng dalawa kaya medyo malayo layo din ang lalakarin ng mga ito paputa sa South area pero ano pa ang magagawa niya e nandoon banda yung kotse.

Nauna kasi siya natapos sa quiz nila.

Sa totoo lang lagi siya shot gun sumagot at pumapasa naman siya.

She was too smart for her own good.

Nakapatong sa harap niya ang kanyang divider envelope. Wala sa sarili na bumunot siya ng scratch paper at nagsimula gumawa ng eroplanong papel.

She absent mindedly threw it to a garbage can. Unfortunately it didn't reached the mouth. Tumama lang ito sa gilid at nalaglag sa tabi ang papel na eroplano.

Tatayo na sana siya para kunin ang eroplano nang nakita na nilapitan ito ng isang lalaki.

She stopped when she saw that it was Stephen.

Pinanuod niya ang pagbunot nito sa sinasabing eroplano bago ito napatingin sa direksyon niya.

He had a small smile on his face as he approached her.

"Mahilig ka pa din pala talaga mag fold ng paper airplanes." Stephen said as he gave her the plane back.

"Thanks." Julie said dully. She quickly turned to walk away when she heard Stephen calling after her.

"Julie wait—"

"Mare yan ka na pala! Ano tara na?" Sabi ni Barbie na agad naman humarang kay Stephen at kay Julie.

Looking back, Julie saw that Stephen was only able to blow out a sigh before walking away.

Nakangiti pa din si Barbie habang naglalakad na sila palabas kung saan naroon na din si Sanya.

The latter looked at them with a questioning look.

"Ano yon te? May sinabi ba siya?"

Her friends were very protective.

Lalo na at alam ng mga ito ang ginawa ni Stephen.

"He's harmless naman. Saka wala na ako pake sa kanya." Agad na sabi ni Julie Anne. Nilabas na niya ang kanyang key fob at pumasok na sa loob ng kotse.

Tumabi naman si Barbie at naupo sa passenger seat habang si Sanya ay sa likod lumagi.

"Nakauwi na ba mga kapatid mo?" Barbie asked. Sobrang sanay na kasi ito na halos araw araw ay sabay si Julie at ang mga kapatid niya pauwi.

Siya ang may kotse eh.

"Oo nauna si Gabbi tapos si Donny. Tutal mamayang hapon pa ang uwi ni Tito ay pwede naman si Kuya Jerald." Paliwanag pa ni Julie sa mga pangyayari.

Kaya ngayon ay libre sila ng mga kaibigan na pumunta sa bagong restaurant na pinagt-trabahuhan ni Maqui.

"Ui maganda reviews kahit 2 weeks pa lang siya na bukas." Ani Sanya na siyang nakatingin din sa binabasa na review sa Facebook.

Maganda din ang location ng sinasabing restaurant dahil bukod sa nasa main road ito ay kabi kabilang side ng block ang entrance.

"Magaling din magplano yung may-ari." Julie said as the valet went off with her car to bring it to the parking area.

The Way I DoWhere stories live. Discover now