Chapter 14

593 61 89
                                    

"Moo hindi ako makagalaw." Ani Elmo habang nakatitig pa din sa kisame.

Julie rolled her eyes. Kakabalik lang niya galing banyo.

Binato niya ang isang twalya sa lalaki.

"Clean up will you? Bababa ako kay Gabbi. Baka magtaka eh. You stay here." Utos niya.

Wala naman nagawa si Elmo kundi ang sumunod. He wiped his stomach and straightened up on the bed.

Inayos ni Julie ang sarili. She was still a little flushed but it's alright. Baka mas lalo pa magtaka si Gabbi kung di siya bababa agad.

Pagkababa niya ay nakita niya ang mga kaibigan ni Gabbi na nakaikot ang upo sa kanilang living room.

Wala ang kapatid niya pero naririnig niyang may gumagalaw galaw sa kusina kaya malamang ay nandoon si Gabbi.

Nagtigil ang paguusap ng mga kababaihan nang makita si Julie.

"Good afternoon po." Bati ng mga ito nang makita siya.

"Hello good afternoon. Is Gabbi in the kitchen?" She asked as she looked at them.

Nakatulala ang mga ito. Shit was there something wrong with her face?

"Sorry po." Sabi nung isa. "Ang ganda niyo po kasi."

"Huy." Nahihiya naman na sabi nung isa.

Julie chuckled. "Aww. Thank you. Check ko lang si Gab sa kitchen alright?"

Tumango tango ang tatlong babae habang papasok si Julie sa kusina.

Nang marinig ang kanyang yapak ay napatingin si Gabbi mula sa niluluto na french fries.

"Hi ate!" Gabbi said as she mixed the fries in the frying pan. Lumingon ito kay Julie. "May kausap ka ba kanina sa kwarto mo?"

Julie stilled by the counter. Shit.

Sa kaba niya ay napatingin siya sa kapatid. "Ha?"

Humarap si Gabbi habang nilalagay ang fries sa isang malaking plato. "May kausap ka ba kanina sa kwarto? Sa phone ganon?"

Whew.

"Ah oo kaklase ko may tinanong lang." Julie replied. Akala pa naman niya nahalata na ni Gabbi. She tried stirring the conversation away. "Ang aga mo pala? Akala ko gagabihin kayo ng friends mo?"

"Tinamad kami maglakad lakad si dito na lang muna kami sa bahay." Ani pa Gabbi.

Julie nodded her head. "Well sa kwarto lang muna me if you need anything just knock okay?"

"Manunuod kami ng movie dito. Don't you want to watch with us?" Gabbi asked.

Julie smiled softly. "Nah it's okay Gab. I think I'll just paint." Aniya.

Sabay sila ni Gabbi na lumabas at pinakilala naman ni Gabbi ang mga kaibigan sa ate niya.

"Ate si Bev, Kath and Lyn." Pagpapakilala naman ni Gabbi sa mga kaibigan.

"Hi hello." Bati ulit ni Julie. "Enjoy lang kayo dyan kapag hinarass kayo ng kapatid ko sabihin niyo."

Nagtawanan ang tatlong kaibigan ni Gabbi.

"Grabe ka sa akin ate." Gabbi pouted.

Natatawang naglakad na si Julie paakyat.

"Any chance na makasama natin ate mo manuod? Tititigan ko lang."

"Hahaha gaga baka mag-aaral yan. Sa kwarto lang daw eh."

Julie smirked as she continued up the stairs while hearing her sister's conversation with her friend.

The Way I DoWhere stories live. Discover now