Chapter 42

496 55 63
                                    

Nakasandal ang ulo ni Julie sa pillar na katabi niya sa classroom.

Nakakatamad talaga minsan kapag wala yung prof.

Well hindi pa niya sure kung wala ba talaga yung prof pero kasi malapit na ito lumagpas sa grace period.

"Gaga labas mo na yung yellow pad!"

"Ito na ito na!"

Napangisi siya nang makita na pasimuno ny kalokohan ay si Sanya at si Barbie.

Pero may karapatan naman si Barbie dahil ito ang secretary ng kanilang block.

Tumingin pa siya sa paligid at nakita papalapit na ang iba nilang kaklase.

Hindi pa niya nasasabi ang mga bagay bagay sa dalawa.

Hindi pa nito alam na may kakambal siya.

And she was so sure that they would be very surprised, even incredulous if they knew about things.

"Hoy may laro daw ulit sila Derrick!" Bungad ni Sanya kay Julie at Barbie habang palabas sila ng classroom.

Sabay tingin naman si Barbie kay Julie Anne.

Sighing, Julie rolled her eyes. Alam na niya ang sasabihin ng kaibigan.

Kaya inunahan na niya ang sasabihin ng mga ito.

"Yeah I know nagtext din sa akin si Elmo."

Sabay na tumawa si Barbie at si Sanya.

"O tara na wag na patumpik tumpik pa nang makita niyo na boylets niyo." Sabi pa ni Barbie habang iniikot ang braso sa braso ng dalawang kaibigan.

Ang cute tingnan dahil ito ang pinakamaliit sa kanilang tatlo at ito ang nasa gitna.

Naglakad na sila papunta sa court ng kanilang school.

"O wait may ilalagay lang ako sa lockers." Ani Julie.

At dahil sila ay kababaihan, magkasama pa din sila na pumunta sa lockers.

Nilabas na ni Julie ang susi mula sa kanyang bulsa. Kasama nito lahat ng iba niyang susi gaya ng sa kotse at sa bahay.

Sumandal si Barbie sa katabing locker habang si Sanya ay nasa kabila habang sige sa pagtipa sa telepono.

"Alam mo mare pakiramdam ko kada nilalabas mo yan kailangan ko bigyan ka ng barya tapos kakanta ka ng 'thank you thank you ang babait ninyo thank you.'"

Tumawa si Julie bago isara ang locker sa harap. "Kahit kailan talaga Barbara baliw ka."

"E kasi grabe kumalembang yang mga susi mo!"

"Ganon talaga kapag mayaman te." Ani Sanya sa turan ni Barbie. "Madami ari-arian."

Julie chuckled again as she finally closed her locker and fixed her back pack to one side of her arm.

Naglakad na silang tatlo papunta sa court.

Malayo pa man din ang court ng kanilang university.

Matinding lakaran talaga.

"Daan na tayo sa rec center." Suhestyon pa ni Sanya.

Pwede naman sila umikot sa hallways pero mas matagal.

Kapag dumaan sila sa gitna ay makakabawas naman sa lakad nila kaso medyo magulo at madami tao. Tambayan kasi ng mga nagaantay sa klase o di kaya sa mga gusto lamang pumatay ng oras.

"Ang ganda nilaaaa."

"Sexy ni Sanya."

"Sobrang cute ni Barbie."

The Way I DoWhere stories live. Discover now