Chapter 15

707 63 147
                                    

Kanina pa si Julie ngiti nang ngiti. Pano kung ano ano sinesend ni Elmo sa kanya na meme. Tawang tawa siya.

They also both really liked the same type of music as seen by their interests. Akalain mo yun.

"Ate?"

"Ha?" Napalingon siya sa nagsalita at nakitang may tinatanong pala sa kanya si Donny.

Nakaupo kasi sila lahat sa may lamesa dahil sabay sabay sila na nagdidinner.

She truly made them spaghetti.

"Kanina ka pa kasi ngiti ng ngiti." Sabi ni Donny. He raised a very suspicious eyebrow at his older sister.

"Hayaan mo bro ganda ganda ng ngiti ng ate mo aray—" Napahawak si Micael na kaibigan ni Donny sa batok.

"Kanina ka pa manahimik ka." Donny said, gritting his teeth.

Mahinang natawa si Julie nang magsalita naman ang kaibigan ni Gabbi na si Bev.

"Donny masisi mo ba si Micael?" Anito habang kumakain ng spaghetti. "Ang sarap pa magluto. Ate may boyfriend ka na? Or pwede mag apply na girlfriend?"

"Whoo jusko." Napahilot na si Gabbi sa sentido.

Hindi napigilan ni Julie ang matawa na din. "I'm flattered pero I'm okay with life." She said.

"Sayang—oh mambabatok ka nanaman." Pigil ni Micael kay Donny.

Tumingin ang lalaki kay Julie. "So ate Julie yung mga dati mo na boyfriend dumaan muna dito kay Donny?"

"Hindi naman. Bahala siya dyan." Tawa pa ni Julie.

"Man I really hated that Stephen dude though ate." Sabi ni Donny bago uminom ng coke.

"Yan ba yung taga SAU?" Sabi pa ni Roger na kanina pa nananahimik. Tumango tango si Donny kaya tinuloy ni Roger ang sinasabi. "Gago yun eh. Yung kaibigan ng kapatid ko linalandi pala."

Julie chuckled. "Dami pala niya talaga babae."

"Gago talaga yun eh." Ani Gabbi. Halatang galit na galit ito sa ginawa sa ate niya.

"Hayaan niyo na. Never talking to him again. No matter how hard he tries." Ani Julie pagkainom din ng coke.

Nang sinabi niya ito ay napatingin sa kanya ang kambal.

She immediately answered. "He tries but I always walk away."

Walk away and then use kissing Elmo as a diversion.

Pero siyempre hindi niya sinabi yung dulong parte.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

"Julieeee." Yakap ni Sanya kay Julie pagkalabas nila sa classroom.

Last class nila para sa araw na iyon. Hapon pa lang naman mga alas tres ganon.

"Yes?" Lambing ni Julie sabay halik sa sentido ng kaibigan.

Ganun talaga siya sa mga kaibigan niya.

Nakasunod si Barbie sa kanilang dalawa.

"Kung di kayo makahanap ng jowa kayong dalawa na lang."

"Grabe ka sa amin Barang ah!" Sabi ni Sanya. Pero nagkibit balikat din ito habang nakayakap pa din kay Julie. "Pero pwede naman. Love wins."

"Totoo pero natatawa ako sa mga nakikita ko." Kwento ni Julie habang naglalabas na ng gamit sa locker. "May nakita ako sa reddit sabi nung isang bi babalik na lang daw siya sa lalaki kasi sobrang sakit na ng ulo niya sa babae. Are we that kahirap to spell?" She chuckled.

The Way I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon