Chapter 17

572 58 190
                                    

Sobrang sarap ng gising ni Julie nang dumating ang sunod na umaga.

She stretched her hand in the air and let out a happy sigh.

It was a very cool morning. She could feel the coolness of the sheets against her skin.

Natatakam siya sa breakfast.

Nakita niya na medyo madilim pa sa labas kaya alam niya na maaga pa.

Maganda lang talaga tulog niya. Kahit na medyo late na din naman siya nakatulog.

Ala una na ata sila ni Elmo bumalik sa loob at natulog.

Malamang tulog pa din hanggang sa ngayon ang lalaki. Alam niya lagi iyon nagpupuyat. And he wasn't really a morning person.

Bumaba na siya sa kusina ng bahay.

Tahimik pa dahil nga maaga pa at tulog pa ang mga tao sa bahay.

She proceeded to grab the rice from over night. Pwedeng pwede gawin na fried rice. Naglabas din siya ng dalawang lata ng corned beef mula sa pantry.

Tapos ay agad siya nagpainit ng tubig sa thermos na nandoon.

It's been about a few minutes when she saw that the sun was slowly rising. Muhkang maganda ang weather ngayon.

You get sun but the air isn't humid.

Parang masarap magswimming...

She had already finished cooking when she saw her lolo and lola entering the kitchen.

"Morning grandparents!" Bati niya at pareho itong hinalikan.

Napatingin ang lola niya sa kanya. "Aba maganda ang gising ng dalaga namin ah?"

Julie gave a cheeky grin as she sat down and started drinking coffee.

Tumabi naman sa kanya ang lolo Eduardo niya.

"So sino pusta mo una magigising don sa kambal?" Lolo Eduardo asked teasingly.

Napaisip si Julie. "Gabbi ako ngayon lo."

"Okay sakin si Donny."

"Bet." At nagshake hands pa silang maglolo.

O diba ang kukulit?

"Pinagpustahan niyo nanaman yung kambal." Sabi din ni Lola Glory habang umuupo na sa may lamesa.

Tinimplahan din nito si Lolo Eduardo ng kape maliban pa sa sarili.

Umupo ito sa tabi ng asawa at napatingin din sa bintana.

"Oh it looks like such a beautiful day." Ani pa Lola Glory. She had a twinkle in her eye as she looked at Julie. "You and the twins should go for a swim."

Julie chuckled as she drank from her own coffee mug. "You read my mind lola, the last time we were here we weren't able to swim around."

"You should. And further up the beach are a few new stores." Pagimporma pa ni Lolo Eduardo. "Later at lunch we can eat out."

"Ohhh I want to try that new Filipino restaurant nearby." Sabi pa ni Julie Anne.

Kung ano ano ang pinaguusapan nila nang bumaba na si Gabbi mula sa kwarto nito sa ikalawang palapag.

Ngumisi si Julie sa lolo niya na napabuntong hininga.

"Pay up lolo." Tawa pa ni Julie.

Napakamot sa likod ng ulo niya si Lolo Eduardo. "Mamaya kuha ako sa wallet ko." He smirked as he playfully pinched her cheek.

The Way I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon