Chapter 19

987 65 185
                                    

Tahimik lang si Julie Anne habang inaantay si Maqui sa may mall.

She stretched her neck out as she fixed her hair.

Sa totoo lang gusto niya dumeretso sa bookstore kaso baka kasi dumating na si Maqui.

Napatingin siya sa langit. Rainy season is coming. Mabuti na lang talaga at nakapagswimming na sila sa Batangas habang may oras.

"Hello sa best friend ko na napakaganda!" Ngiti ni Maqui nang dumating. Umupo ito sa tabi ni Julie at humalik sa pisngi ng babae.

"Hi bes!" Bati din ni Julie. Agad niya tinabi ang binabasang libro at hinarap ang kaibigan. "So ano bet mo? Buffet?" Julie grinned. Hindi sila uuwi ng Batangas ngayong linggo dahil aalis din naman ang lolo at lola nila. May mga bibisitahin na kaibigan.

"Hindi ba natin isasama mga kapatid mo?" Tawa pa ni Maqui.

It was a Friday and Julie got to thinking, sabagay, pwede naman niya ipasunod ang kambal dito sa mall.

"Sige idinner na lang natin tapos shopping tayo game?" Ani Julie.

Sabay na sila ni Maqui na tumayo mula sa kinauupuan na bench. She wrung an arm around her best friend's own arm as they started walking.

"Hoy damit ish-shop natin okay? Hindi art supplies." Panloloko ni Maqui nang makita na minamata ni Julie Anne ang book store na dinadaanan nila.

Napakamot sa likod ng ulo si Julie Anne. She grinned at Maqui. Akala niya pa man din makaka-isa siya.

"Sabi sayo hanapan ka na natin ng studio. Madami dami naman pwedeng irenta dyan." Sabi ni Maqui sa kanya habang papasok sila sa isang store.

Julie cleared her throat. "Sure kapag may time hanap tayo." She said simply. Siyempre hindi niya pwede sabihin kay Maqui na meron na talaga siyang ginagawang studio.

Na bigay ng kapatid ng nobyo nito.

Tumitingin tingin silang dalawa ngayon ng mga dress. Balak din talaga ni Julie bumili para isang suotan lang sa school. O diba minsan talaga pati pagbihis nakakatamad.

Gala nga tinatamad na siya.

Her phone pinged in her hand. Alam niya kaagad kung sino.

Agad niya nilingon si Maqui.

Okay nasa malayo.

She checked her phone again and saw that it was a message from Elmo.

Pagkabukas ay bumungad ang gwapong muhka ng lalaki.

It was a selfie and he was by the beach. Umuwi ulit ito ng Batangas pero sila nga ng mga kapatid ay nanatili sa syudad.

Me:

Bilis ng byahe ha. Send ka pa ng pic panget mo naman.

She checked Maqui yet again. Okay busy pa din.

Saka niya naramdaman ang pagvibrate ng phone.

She grinned as she saw Elmo replying.

Moo:

Miss mo lang ako eh.

Me:

Yuck hindi ah.

Moo:

Pic ka naman hehe.

Me:

Bakit? Ano gagawin mo sa pic ko?

Moo:

Punta ako sa kwarto titigan ko lang.

Me:

Bastos.

But she smiled at her phone nonetheless.

The Way I DoWhere stories live. Discover now