Chapter 33

617 58 311
                                    

"Mabuti na lang at nandoon ang mga kaibigan mo Julie." Michael said as he was the one driving Julie's car.

Pauwi na sila ngayon galing sa ospital.

Naka splint and bandage na din ang paa ni Julie Anne.

Gusto pa nga sana siya ikeep over night dahil baka daw tumama ang ulo niya pero alam naman niya sa sarili na hindi tumama ang ulo niya. Talagang ang pangit lang ng landing ng kanyang paa.

"Donny help your ate." Utos ni Michael nang makadating na sila sa bahay.

Agad naman na inalalayan ni Donny ang kapatid.

Julie didn't need crutches or anything like that.

But they did give her a cane.

"Lola tara na po."

"Shut up Donato." Asik ni Julie sa kapatid na natatawa habang pinanlilisikan ito ng mata.

Mas lalo lang na natawa si Donny bago tuluyan na siyang dinala paakyat sa kwarto.

Nakasunod si Gabbi sa kanila dahil nakaalalay ito.

"Ate hindi ba safer na sa baba ka na lang?" She suggested as they entered Julie's room.

Umiling si Julie sa mga kapatid. "Ha? Hindi okay lang. Mas okay ako dito sa taas. Si Donny magdadala ng pagkain ko diba Dons?"

"Oo naman ako bahala." Ngiti ni Donny. "Pano school saka yung wedding ate? Gano ba daw katagal?"

"Minor sprain lang naman." Julie answered as she rested on the bed.

"Oo pero si Kuya Elmo makapanic." Donny smirked.

Napatikhim si Julie. Kaya niya ito. Iiwas niya ang tanong.

"Sayang hindi nag-abot si Tito at James no? Para nagkakilala din sila."

Umalis na kasi sila Nadine at James dahil may kailangan na asikasuhin.

"Oo pero si Kuya Elmo—"

"Dons pakuha nga ng makakain. Pancit canton please." Ani pa Julie.

Napakamot na lang si Donny sa buhok at sumunod naman.

Si Gabbi ay ngumiti kay Julie. "Tutulungan ko muna si Dons ate. Pahinga ka dito." Saka ito sumunod palabas sa kakambal.

Alam agad ni Julie na magtsitsismisan ang kambal.

Kasi naman si Elmo! Mas taranta pa ito kanina sa mga kapatid eh!!

A knock on her door pulled her from her thoughts.

Napatingin siya at nakita na si Michael ito.

"Iha? How's the pain?" He asked as he stood just by the door.

"Okay naman po tito." She smiled. "The pain is subsiding. Ramdam ko lang po na mabigat siya."

"If you need anything don't hesitate to call okay?" Ani pa Michael.

Ngiti lang naman ang sinagot ni Julie.

Medyo napagod din siya ah.

Pero mas nakakapagod ang mga nasa isip niya. She turned on the bed and closed her eyes. Ngayon na naka relax na siya ay ramdam niya ang pagshut down ng katawan.

Hanggang sa nakatulog na siya.

It was dinner time when she woke up.

Kinakatok din kasi siya ni Ate Uge. Ito ang may dala ng pagkain niya pero nagulat si Julie na nakasunod ang kambal.

"Sepanx agad kayo?" She teased.

Dala din ng mga ito ang mga plato nila.

Spaghetti naman kasi ang pagkain kaya madali lang dalhin ang isang plato. Para lang sila nasa isang birthday party.

The Way I DoWhere stories live. Discover now