Chapter 51

496 53 17
                                    

"Bes?"

Nag-angat si Julie ng tingin habang tinatapos niya ang pag-email ng kanyang portfolio.

Nakabalik na sila sa syudad.

Alam naman niya na nakapagkwento na siguro si Frank din dito.

She looked up from her laptop as she heard her room door open.

Nakita niya si Maqui na sumisilip.

She smiled as she pressed send on the laptop before beginning to shut it down.

Itinabi niya ang device.

"Hey bes! Wala ka work?" She asked.

"Off ko ngayon." Maqui smiled as she sat beside Julie on the bed.

Napatingin si Maqui sa laptop ni Julie. "Hala may ginagawa ka ba kanina? Ginulo ba kita?"

"Huh?" Napatingin si Julie sa laptop niya at natukoy ang tinuturan ng kaibigan. "Oh that! Diba si Ivan hinihingi portfolio ko? Pinasa ko na din malay mo madiscover haha!"

Maqui looked back at Julie with a somber look on her face.

Nakita din ni Julie. Alam na niya.

Alam na niya ang sunod na tanong ng pinakamatalik na kaibigan.

"I haven't talked to him yet...again." Sabi pa ni Julie. Ang huling beses na nakausap niya si Elmo ay nang pumunta nga ito sa bahay nila.

Pero tinaboy niya din.

"Saka ayoko din malaman ang tungkol sa kanila nung Beth." Julie said.

Muhkang magsasalita si Maqui pero kaagad naman na inunahan ni Julie ito.

"Ayoko malaman kung may alam ka bes." Julie said. "Not...not right now anyways."

Syempre may alam din siguro si Maqui gawa nga na nobyo nito si Frank.

Sighing, Julie rested her head on Maqui's shoulder as they were both leaning on the bed's head board.

"Baka sign ang lahat no Maq? Kasi aamin na dapat ako sa kanya na mahal ko siya tapos...ganito."

Naiiyak siya sa naiisip pero sa totoo lang ayaw na niya magtagal na nandoon ang utak niya.

Napaderetso siya sa kama kaya gulat na napatingin sa kanya si Maqui.

"Huy bes naman! Para kang spring dyan!"

"Maq tara?" Ani Julie na iniignora ang sinasabi ng kaibigan.

Napatingin naman si Maqui. "Ha? Anong tara?"

"Shopping tayo please?"

Maqui sighed. Tila alam nito na kailangan ng outlet ng kaibigan. Tumayo na din ito sa kama. "Okay sige pero maligo ka muna at ako ay magpapalit ng damit, hindi pang shopping itong outfitan ko! Gaga na 'to pakabiglaan! Hindi ako papakabog nako mamaya magmuhka akong dumi sa paa mo kapag di ako nagbihis."

Hindi napigilan ni Julie ang tumawa.

Loka loka talaga itong kaibigan niya.

Nagpaalam muna si Maq na babalik nga. Napansin nga naman ni Julie na nakamalaking shirt at shorts lang ang kaibigan.

Naligo na siya at nagbihis ng simpleng jeans at crop top na shirt.

Tinuyo niya ang buhok at hinayaan din na nakalugay lang ito.

Bumaba siya sa kanilang dining area at nakita si Tita Isabel at Tito Michael.

"O? Akala ko may date kayo?" She teased the two.

The Way I DoWhere stories live. Discover now