Chapter 16

690 69 153
                                    

Enjoy na enjoy si Julie sa pagpaint sa studio na iyon.

Parang pakiramdam niya kapag nandun siya ay wala siyang iniisip.

It was another Friday. Maganda talaga ang sched niya kumpara kay Donny at Gabbi na nagsisimula pa lang ng kanilang university life.

Nadaanan din naman na niya iyon. Sila naman.

At least kapag ganito ay pwede siya dito magstay habang inaantay sila Gabbi at Donny kung kailangan man niya ihatid ang mga ito.

Sa totoo lang excited na siya na mag 18 ang dalawa dahil pwedeng pwede na talaga magmaneho ang mga ito.

Speaking of mamaya ay magmamaneho nanaman siya papunta Batangas. Buti nga nung huling beses si Elmo ang nagmaneho.

Dala na nga din niya ang bagahe para ready to go na.

Naghabol lang siya sa pagpinta. Narerelax siya eh. Saka hindi naman niya hinahabol ang oras basta nageenjoy siya sa ginagawa.

May pintura na ang muhka niya at lahat tapos gulo gulo pa ang buhok niya. Nakakaramdam na din siya ng gutom.

Napatingin siya sa orasan at nakita na maaga pa naman.

Tumayo siya at itinabi muna ang gamit.

Wala naman siya pake na hindi siya nakaayos.

Bubuksan na sana niya ang pinto nang magulat dahil bumukas din ito.

Nagulat siya nang makita si Elmo.

Nakasuot ito ng puting polo shirt na medyo kinaaawaan ni Julie. Hindi kasi kaya yung braso ni Elmo.

"Moo? What're you doing here?" She asked as she let him inside.

Sinara niya ang pinto at pinanuod ang paglapag ni Elmo ng pagkain sa may lamesa na nandoon.

Sa ilang araw ay naayos na ang studio na iyon. May lamesa na at sofa bed na ang pinalagay ni Elmo bukod pa doon sa isang sofa na unang naroon.

Kung saan...

"Gumawa ako grilled cheese sandwhich eh. Gusto mo?" Elmo asked as he sat by the table.

Julie chuckled as she went over to wash her hands by the sink first before joining him at the small table.

Kumakain na ang lalaki sa ginawa nito. Muhkang gutom na gutom.

Napatingin si Julie sa oras. Hapon na.

She raised an eyebrow at him. "Hindi ka naglunch no?"

Elmo's mouth was still stuffed as he turned to her looking like a deer caught in the headlights. He swallowed the food down before smiling sheepishly at her.

Napaikot ang mata ni Julie. "Wag ka kasi nagpapalipas ng gutom." Medyo naiinis niyang sabi habang kumakain na din.

Natawa si Elmo.

Napatingin pa tuloy si Julie. "Tawa ka dyan?"

Elmo smiled again. He wiped her face. "Concerned ka kasi sa akin. Ang cute."

"Baka baka." Ani pa Julie.

She looked at Elmo as he kept eating. Napatingin siya sa kinakain. Simpleng grilled cheese lang naman iyon pero ang sarap.

"So after all of this tuloy ka lang sa restaurant and dito sa building na ito?" She asked as she continued eating. Masarap talaga.

Elmo shrugged. "I love owning the restaurant but they say I have a shot of making it to the PBA."

Napatingin si Julie sa lalaki. "Wow. So susubukan mo din talaga ang pagbasketball? Like professionally?"

Elmo smiled as he nodded his head. "I enjoy it. And if it works out why not right?"

The Way I DoWhere stories live. Discover now