Chapter 37

580 61 211
                                    

"No..." Bulong ni Julie habang nakatingin kay James.

Her twin...

No.

Hindi pa din siya makapaniwala. No. This was a joke right? She was thinking he was her half brother...but twin?!

Tila nahihilo siya sa mga nalaman.

"Julie I know this is a shock but I am your twin." Tila nahihirapan din na sabi ni James.

Tumayo si Julie mula sa lamesa.

Sakto naman ay nakabalik na si Elmo na hindi lang drinks ang dala. May isang plato din ito ng cheese at meat.

He turned to James with a curious look on his face before turning back to Julie as he was placing the plated and drinks on the table.

"What's going on?"

"I can't breathe." Julie whispered.

Agad naman dumalo si Elmo sa tabi ng babae.

"Moo...what is it?"

Hindi sumagot si Julie. She simply shook her head as she stood up from her position at the table and quickly walked out the event hall.

Agad na sinundan ni Elmo ang babae.

Hindi na kinayanan ni Julie.

She bent over by the bushes and puked out everything she ate. Hindi niya kasi talaga mapagisipan kung ano man ang sinabi sa kanya ni James.

She felt Elmo rubbing her back as he stood beside her.

Naramdaman din niya na inaayos nito ang buhok niya.

"Shit I look so disgusting." She said.

"You look beautiful." Bulong ni Elmo at hindi man lang nandiri na pinunasan ang dumi sa gilid ng bibig ni Julie.

He kissed her forehead.

"Doon tayo sa kwarto let's get you cleaned up."

Hindi na umangal pa si Julie.

Kailangan din naman niya kasi talaga mapagisip.

Sa likod sila banda at agad na pinadala ang kotse ni Julie sa valet.

Si Elmo na ang nagmaneho pabalik sa hotel kung saan dumeretso silang dalawa sa taas.

"Moo may bibilhin lang ako sa baba okay?" Ani Elmo.

Hindi naman na sumagot si Julie. She just felt so tired. Nagtext din siya kayla Maqui kung hanapin man sila.

She took off her dress and went straight for the bath tub.

Pinuno niya ito at binasa ang ulo.

Paano kasi nangyari iyon?

Paano nangyari na may kakambal siya?

Ginagago ba siya ni James?

Pero bakit diba?

Was all of this some kind of sick joke?!

"Ahhh!" She yelled as she gripped her hair. Hindi niya natiis. Naiyak siya. Was this all her fault as well?

Dahil hindi man lang siya nagtanong tungkol sa tatay niya?

What about Tita Ruffa and her grandparents? Didn't they know anything?!?

"Moo? Moo!"

Nakita niyang papalapit sa kanya si Elmo.

He took her hands in his.

Napatingin siya.

Shit kinakalmot na pala niya ang kanyang braso.

The Way I DoWhere stories live. Discover now