Chapter 32

608 61 285
                                    

It's been a couple of days since the party.

Naging sobrang busy din talaga silang lahat sa pag-aayos ng wedding.

Excited na din kasi talaga si Michael at Isabel na ikasal.

And with all the preparations, Nadine and Julie grew even closer. Close din naman ang una sa kambal pero dahil si Julie ang ka-age, dito ito naging mas malapit.

"Maglalaro ba tayo?" Yun ang unang tanong ni Sanya kay Julie pagkatapos ng kanilang klase.

"Volleyball diba." Nakangiti na sabi ni Julie.

Maglalaro kasi sila sa court ng village nila Julie.

"May pustahan ba to." Tawa pa ulit ni Barbie.

Julie rolled her eyes. Napaka competitive talaga ng kaibigan niya. Parang siya.

Kung may makita man sila na ibang kalaro doon sa court bakit hindi diba.

Sayang nga lang at hindi makakasama si Maqui dahil may trabaho pa ito.

Patuloy naman si Julie sa pagmaneho habang dinadaldal siya ni Sanya at ni Barbie.

"Ang cool din ni Nadine e no. Tahimik lang din siya." Sabi ni Barbie habang nilalakasan ang aircon ng kotse.

May kainitan din kasi talaga ang hapon na iyon.

"Oo parang laid back lang siya pero hindi naman masungit." Sabi pa ni Sanya. "Akala ko kasi tahimik lang."

Julie chuckled. "Hindi yun. Kapag kami magkakasama maingay din siya. Tapos yung dry humor niya ang funny."

"Kasama ba natin siya mamaya?" Ani pa Barbie.

"Yup. Susunod siya sa court." Sabi ni Julie.

Sa sinasabing court na nga sila dumeretso imbis na sa bahay.

"Ayun na pala si Gab." Ani Barbie pagkababa ng kotse.

Kasama ni Gab ang kaibigan na si Cha na kumakaway kaway kayla Julie.

Maaga kasi ang dismissal ng mga ito kumpara sa kanila kaya nauna na ito.

"Sila Donny ba yun?"

Isasara pa lang ni Julie sana ang kotse nang marinig ang sinabi ni Sanya.

She stopped and turned her head to the basketball court.

Katabi lang kasi nito ang volleyball court. Oo hindi sila sa iisa, magkatabi talaga, ganun kayaman ang village nila.

Naglalaro ito kasama ang mga ka team.

Minsan talaga muhka na bola itong kapatid niya na ito eh.

Tinali na niya ang buhok at inayos ang suot.

"Ayoko na pala maglaro." Tawa ni Barbie habang nakatingin kay Julie. "O pwede basta wag niyo ako itabi dito kay mare."

"Hala bakit?" Julie chuckled.

"Bakit ka kasi naka sports bra dzai!" Sabi pa ni Sanya.

Sa lakas ng boses nito ay napatingin pa ang ibang tao.

Pinanlakihan ni Julie ng mata ang kaibigan.

"P-papatungan ko naman kasi." She said. Saka niya binunot sa bag ang baon na sando.

Naglakad na silang tatlo papunta sa court.

"Game na ba?" Julie asked her sister. Ito din kasi ang may alam kung sino ang makakalaban nila.

"Wala pa nga si Ate Nadine saka yung makakalaban ate hahaha!" Tawa pa ni Gabbi. "Nuod muna tayo kayla Donny."

Napabaling ang tingin ni Julie sa kabilang court. May hinahanap siya...

The Way I DoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin