Chapter 43

675 55 34
                                    

"Hoy babae magexplain ka!"

"Ganon ganon na lang talaga ha?! Biglaaan!?!"

"Nako mga ate kung nakita niyo lang!"

"Ano yan Donny! Magkwento magkwento!"

"WILL YOU GUYS BE QUIET?!"

Asik ni Julie sa mga kaibigan habang papasok sila sa loob ng kotse. Siya ang nasa driver's seat at si Elmo naman ang nasa passenger.

Tahimik lang ang lalaki habang nakatingin sa kanya at nakangisi.

Tinampal niya ang braso nito. "Ikaw kasi!"

"What? I was elated." Tawa pa ni Elmo.

"Deh ate kasi nagseselos yan don sa Vernon." Sabi ni Donny na natatawa din.

"Si Vernon? E di naman gwapo yon." Tawa pa ni Sanya.

"Oo sabog nga yung muhka eh." Sabi naman ni Donny saka sila nagtawanan.

"Bibili tayo ng alak saka kung ano ano pa. Asan na ba si Gabbi?" Tila naeexcite na sabi ni Barbie.

"Ayan na!" Sabi ni Donny nang makita na papasok sa kotse ng ate nila ang kakambal.

Gabbi opened the car door.

"Gab! Alam mo na ba grabe nagshock kami!"

"Talagang sa court susme!"

"Iba pa din nakita ko!"

"Sandali sandali ano nangyayari?" Sabi ni Gabbi. Shock na shock pa din ang muhka nito habang papasok. Ikaw ba naman sunod sunod na sabihan ng kung ano ano.

"Pasok ka na dali." Sabi ni Barbie sabay hila kay Gab papasok.

Sumilip naman si Gab kay Donny na nakaupo sa pinakalikod habang kasama niya sa gitna si Barbie at Sanya.

There was a mischievous smirk on Donny's face. "Alam na nila."

"About kay Kuya James?"

"SANDALE ANONG MERON KAY JAMES?!" Si Barbie.

Tumingin si Julie kay Elmo. "Moo pakuha nga nung ballpen diyan sa may glove compartment. Tapos isaksak mo na sa mata ko."

Natawa naman si Elmo. Lumapit siya at pinatakan ng halik ang ilong ni Julie Anne.

"Ayan ayan ganyan ang alam namin!" Sabi ni Barbie.

"Ahhh. Sus iba pa nga dyan—mpppf."

"Gab o kain ka kwekwek." Ani Julie sa kapatid matapos pasakan ng kwek kwek ang bibig nito.

Nagsimula na siya magmaneho habang kung ano ano ang kinukwento ng magkapatid kay Sanya at kay Barbie.

Dumaan muna sila sa convenience store dahil nga bibili sila ng inumin at pagkain para sa binabalak nilang pagtambay.

Bumaba sila lahat sa kotse. Napatingin si Julie sa wallet niya. Siya kasi ang manlilibre at alam na agad niya ang mangyayari.

Akala mo mga nakawala sa hawla na nagsipasok ang kasamahan nila habang dahan dahan lang naman pareho si Julie at si Elmo na naglalakad papasok.

Mabuti na lang at malaki yung convenicence store na pinuntahan nila. Dahil sila pa lamang na laman ng kotse ay halos mapuno na ang iba pa na convenience store na maliit lang.

Dumeretso ang mga hinayupak sa section ng alak habang si Julie ay agad sa tsitsirya. Hindi din naman siya mahilig sa tsitsirya kapag nagiinuman dahil nga mas gusto niya ang mga niluluto niya na meryenda pero para meron na din sila mapagpipilian.

The Way I DoWhere stories live. Discover now