Chapter 55

500 50 19
                                    

Si Esnyr na lang ang nagmaneho ng kotse ni Elmo papunta sa ospital.

It was a bitch trying to put Elmo inside the car even if he was trying to help himself.

Ang laki niya kasi. Hindi din naman kaya ni Julie lang at sa payat ni Esnyr ay nahirapan din sila.

"Ahh fuck it hurts like a bitch!" Elmo groaned.

Nakasandal ito kay Julie sa backseat habang si Nadine ay nakasakay sa may passenger side.

"Diba nga kasi sabi ng doktor mo ituloy mo yung therapy?" Sabi pa ni Nadine kay Elmo na hindi din naman makasagot gawa nang iniinda pa din nito ang sakit.

Pero sa sinabi ni Nadine ay agad na napatingin si Julie dito.

Nagkatinginan sila sa rear view mirror at halatang nagulat si Nadine sa sinabi.

"Therapy? What therapy?" Ani Julie.

Pero bago pa makasagot si Nadine ay nakadating na si Esnyr sa may ER.

Agad na lumabas ang mga orderly para tulungan si Elmo sa isang wheel chair.

Ipinark muna ni Esnyr ang kotse sa likod na parking lot kaya si Nadine at Julie ang sumama.

"Ma'am pa fill up po ng forms." Sabi ng ER clerk na lumalapit kay Julie. "Kayo po asawa ni sir?"

"Hindi pa." Singit ni Nadine at agad na pinalo ni Julie ang braso. "Ay. Sorry sorry akin."

Umupo si Julie sa isang tabi habang sinusulyapan si Elmo na pinapahiga sa isang kama doon.

She quickly filled out the forms.

Napatingin si Nadine sa kanya. "Aba? Di ka nahirapan sa info ni gago? Asawa ka nga? Di ba ako informed?"

"Quit it." Saway ni Julie kay Nadine.

She gave the forms back to the clerk before making her way over to where Elmo was.

Nakita niyang swinesweruhan yung lalaki.

"He needs fluids agad?" She asked the nurse.

Ngumiti ang sinasabing nurse sa kanya at nagpaliwanag. "Yung pain level niya kasi ma'am masakit po talaga. Sa swero po ipapadaan ang gamot para mabilis."

Hindi na sumagot si Julie at tumango na lamang.

She took the chair beside Elmo's bed and situated herself there.

Si Nadine ay sa waiting area muna dahil isang guardian lang daw ang pwede.

Kitang kita ni Julie ang pawis sa muhka ng lalaki.

She ran her hands through his forehead as he was slowly closing his eyes.

"Ma'am tumama po ba ulo niya nung nalaglag siya?" The nurse asked.

Natigilan si Julie.

Hindi naman niya nakita na tumama. "No. I don't think so."

"Okay po. Maya maya po ay dadalhin siya sa X-ray." The nurse informed her before heading back to the triage area.

Tiningnan ni Julie si Elmo na muhkang nawawala na ang pain. He was breathing hard.

Hindi niya natiis. "Elmo...anong sinasabi ni Nadine na therapy?"

Napatingin si Elmo sa kanya. Halata naman na ayaw nito sumagot pero hindi naman makatakas sa kanya.

"I had...a knee injury. A few years ago." He said. "I was about to get drafted in the PBA but my knees were shit after that injury. Kanina...namali ako ng ikot, so it popped again."

The Way I DoWhere stories live. Discover now