Chapter 26

804 67 329
                                    

"So sino nga yung kumakaway sayo kanina?"

Ayun ang bungad ni Gabbi kay Donny habang nasa kotse sila pauwi.

Julie smirked as she continued driving.

Alam niyang kating kati na ang kapatid na tanungin ang kakambal kanina pa.

"Wala nga. Mga kaklase ko lang." Donny grumbled.

Tumaas kilay ni Gabbi sa kapatid mula sa rear view mirror. Nasa likod kasi si Donny habang si Gabbi ang nasa passenger seat.

"Mabaog?"

"Grabe ayaw mo ba magkapamangkin?" Donny pouted.

"Ayan si ate o." Sabi ni Gabbi. Tapos ngumisi ulit. "So mababaog ka kasi you're lying?"

"I told you kaklase ko lang yung mga yon."

Dito na nagsalita si Julie. "To be honest Dons, hindi kaklase tingin nung isa."

"Yung maputi na singkit no?" Gabbi teased again.

"Tropa tropa lang kami." Donny answered. "Kinontrata ko lang yung mga yon kasi baka wala mag cheer sa akin." Pagbibiro pa nito.

He looked at the window outside where the sun was now slowly setting.

"Si Kuya Elmo nga hihinga lang nagch-cheer na yung mga babae." Tawa pa ni Donny sa naalala. "May one time non. Sakto kasi tapos ng isang game. Tapos si Kuya Elmo nasiraan ng jersey kasi nagpapapicture yung mga babae!"

Muling natawa si Donny. "Ginawa lang ata nila para makita abs—"

"Donny quiet ka muna at baka makabangga si ate." Agad na sabi ni Gabbi.

Julie noticed she was gripping the steering wheel a little too hard.

"Ha? Bakit?"

"Dasal ka na para sa buhay mo." Sabi ni Gabbi habang nakakapit sa kotse.

Siyempre hindi umimik si Julie para hindi halata. She was great at these things.

Kalmado naman siya. Pero nanahimik ang kambal. Kunwari ay concentrated siya sa pagmaneho.

Mag aalas syete pa lang naman ng gabi nang makauwi sila.

"Kain na kayo mga anak." Bungad ni Ate Uge sa kanila nang pumasok sila sa bahay.

"Wala pa po si daddy?" Gabbi asked as she and Donny sat down.

Si Julie naman ay linalagay ang susi sa may sabitan katabi ng sofa nila.

"Mamaya pa daw siya anak." Sabi ni Ate Uge.

Hindi naman na nakakagulat din iyon.

Tiningnan ni Julie ang kanyang cellphone at nakita na nagmessage pala si Elmo sa kanya.

Moo:

Hey, are we gonna have dinner? Magluluto ako :D

Napatingin si Julie kayla Gabbi at Donny na umuupo na sa hapag.

She quickly answered Elmo.

Me:

Sorry Moo I'm having dinner right now eh pero after punta na ako diyan.

Moo:

Alright then :D dito lang ako sa studio hehe.

Hindi pa natinag nagsend pa ng selfie.

Julie bit her lip. Ang gwapo kasi. His hair was messy but he still looked fresh.

"Ate kain na." Tawag pa ni Donny.

The Way I DoWhere stories live. Discover now