Chapter 31

579 60 245
                                    

"Ang ganda pala ng boses ni Kuya Elmo." Sabi ni Gabbi matapos ni Elmo kumanta.

Sabay tingin kay Julie na patay malisya lang na uminom ng tubig.

Gabbi chuckled as she looked at the girls. "O teka wala ba lalaban sa kantahan dito don sa boys?" She asked as Liam was now the one taking the microphone in his hands.

"Ito! Ito!" Ani Maqui sabay hatak kay Julie patayo.

Gulat man ay tumayo nga si Julie at dinala ito banda sa kung nasaan ang mga lalaki.

Tiningnan ni Julie ang kaibigan habang ang mga lalaki ay nakatingin lang sa kanila.

Ang mga matatanda kasi ay may sariling mundo sa loob ng bahay kaya silang mga kabataan ang naiwan sa may bakuran kung saan naroon ang karaoke.

"Bes upo ka dyan ayan."

Yung upuan kasi na pinakamalapit sa karaoke ang pinupwestuhan ng aawit.

Sakto naman kasi ay katabi ni Elmo ang upuan.

The man gave Julie a small smile. Simplehan lang.

"Liam wag ka na!" Sabi ni Donny. Handa na kasi sana si Liam kumanta. "Ewan ko lang kung kayanin niyo boses ng ate ko! Maganda boses niyan! Pero bawal manliligaw!"

Julie rolled her eyes.

Ayan nilapat na ni Maqui ang kanta. O diba. Si Maqui magdedesisyon kung ano kakantahin niya.

Basta ang trabaho niya ay kakanta siya.

Napatingin na ang lahat kay Julie nang ilapit nito ang mikropono sa labi saka nagsimula umawit.

Is this love feeling restless inside
Wanting you to always be by my side
I don't even want you out of my sight
You are in my thoughts all day and night
I can't get you out of my mind
I think I'm in love
I think I'm in love
Think I'm in love with you
Every single day, every single night
Every single moment of my life
I want to spend them all with you
I think I'm in love
I think I'm in love
I think I'm in love with you
Tell me that you care, tell me, please
Tell me that you also feel
The way that I do

Nagpalakpakan ang iba at pasimpleng tumingin si Julie kay Elmo.

She felt his foot brushing the back of her leg.

Kinikilig siya na hindi malaman nakakainis.

"Okay wala na wala na uwian na!" Sabi ni Maqui na may hawak pa na bote ng alak.

"Sandali!" Ani Barbie. "Ako na ang susunod!"

"Mahal lasing ka lang." Natatawa na sabi ni Jak habang hinahawakan ang kamay ng nobya.

"So ano may gusto ba sumunod kay ate?" Hamon din naman ni Gabbi.

"Si Belle daw o Belle lezgaw!" Sabi ni Kaori na hinihila patayo si Belle.

"Yii kilig si Donny!" Sabi ni Miah na isa nitong katropa.

Pasimpleng tumayo si Julie dahil nakaramdam siya ng gutom.

Mayroon silang finger food doon sa catering table.

Pansin niya ay nakasunod sa kanya si Gabbi habang si Belle na ngayon ang umaawit.

Alam na agad ni Julie ano hinihiling ni Gabbi. Kung ano hinihiling nito sa paglapit sa kanya.

Pasimple sila tumingin sa grupo habang kumakain ng mozzarella sticks habang nakatayo sa tabi ng buffet table.

"Let me get this straight ate. Yung Kisses yung kaklase ni Donny dati?"

"Mmhmm." Sang-ayon naman ni Julie.

The Way I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon