Chapter 5

483 61 35
                                    

Katatapos lang ni Julie sa mga homework niya ng gabi na iyon.

Nandon sa may kama niya ang telepono dahil kinabit niya ito para magcharge at para walang kukuha ng atensyon niya habang tinatapos ang mga gagawin.

Nagreview din siya saglit para sa quiz nila kinabukasan.

Humiga na siya sa kama at binunot na ang telepono mula sa pagkakacharge nang makita na may bagong nagfollow sa kanyang Instagram account.

elmomagalona

Agad tumaas ang kilay ni Julie. It's been days since that...incident.

Naaalala nanaman niya.

She shook her head and slapped her face awake.

Muli niya tiningnan ang kanyang telepono.

Pinuntahan niya ang account na nag-add sa kanya. Hindi kaya poser lang ito? Sampu lang ata ang post! Iisa lang ang may muhka pa niya. Nanalo itong MVP last year at ayon ang nakalagay na picture; hawak nito ang trophy. Ang iba ay puro mga shots ng basketball at nature, kung ano ano pa. Pero madami followers.

She quickly messaged the account. Hindi naman online eh so hindi din siya nageexpect.

Me:

Ikaw ba talaga ito?

Pagkasend niya ng mensahe ay ibinaba na niya ang telepono.

She turned around and closed her eyes when the phone pinged.

Napabuka naman ang kanyang mata saka siya umikot para kunin muli ang telepono.

She had a suspicious look on her face as she opened the message.

elmomagalona:

The account has may picture and you still doubt? 😂

Julie bit the inside of her cheek.

Me:

Dali dali magnakaw ng picture ngayon eh.

Not five minutes passed when Julie's phone started ringing.

Tawag galing sa messenger.

Nagdalawang isip pa siya kung sasagutin niya pero sa wakas ay pinindot na niya ang answer button.

She brought the phone to her ears.

"Hi." A deep voice came from the other end.

Napalunok si Julie. Bakit ang hot?

Napakalalim kasi ng boses. Si Elmo ba talaga ito?

"Is this really you?" She murmured.

She heard a faint chuckle. Tapos biglang namatay ang tawag.

Napatingin si Julie sa telepono. Aba. He ended the call!

Walangya.

Pero nagulat siya nang video call naman ang nangyari.

She stilled for a second before slowly answering.

Nagulat siya nang nakita si Elmo. He was in bed and had the phone to his left while he lied on his side.

Ilaw na lamang mula sa katabi nitong lampara ang nandon.

"Naniniwala ka na?" Elmo smirked at her.

Julie rolled her eyes. "Oo na. Nag IG ka pa kaunti naman inu-upload mo." She said as she too turned on the bed.

Elmo cleared his throat. "Uhm your..." Saka ito sumenyas na parang inaayos ang collar. Na hindi naman nito maipakita ng maayos dahil wala itong pansuot na pantaas.

The Way I Doحيث تعيش القصص. اكتشف الآن