Chapter 10

670 59 79
                                    

AN: Dedicated to Trish!

Pasimpleng ngumiti si Julie habang tinitingnan ang mga score niya sa exams.

Pasado naman lahat.

Ito din talaga ang gusto niya pagtapos ng prelims.

Hindi sila kaagad bumabalik sa klase. What she meant was formal lessons.

Papasok sila tapos ay ichecheck lamang ang papers tapos ay hindi na sila magkaklase for the rest of the period.

And this was their last class for the day.

Inaayos na lamang ng prof nila ang class records. Naka salpak lang ang earphones niya habang nags-sketch nanaman sa kanyang sketch pad.

Mamaya nga dadaan siya sa mall para bumili ng gamit. Namimiss na kasi niya magpaint.

Si Barbie at Sanya ay nasa tabi niya at naglalaro ng kung ano sa cellphone ng huli.

Napangiti siya habang tinitingnan ang kanyang iginuhit. It was the beach. Miss na niya kaagad. Yung beach ah. Yung beach oo.

"Guys ah! Rinenta ko yung isang pizza place." Sabi ni Sanya nang matapos sila ni Barbie sa nilalaro.

Dahan dahan na tinanggal ni Julie ang kanyang earphones. Pero narinig naman niya ang binanggit ni Sanya.

"This Friday na yun diba?" Julie asked. They were talking about Sanya's birthday. Hindi din naman ito mahilig sa party na ganun kalaki kaya nagrenta na lang sila ng event's place sa isang pizza shop.

"Okay class you're dismissed." Sabi ng professor.

Akala mo may marathon na naguunahan magkalap ng gamit ang mga estudyante.

Silang tatlo ay sabay na din na lumabas bago nag antabay sa may elevators.

"Magm-mall pala ako." Julie informed the two. Their eyes twinkled.

So ayun natagpuan nila ang mga sarili na nasa pinakamalapit na mall sa school.

"Shala natin no, driver natin muhkang dyosa." Tawa pa ni Barbie.

Inantay kasi ng mga ito si Julie na maipark ang kotse.

Julie chuckled as she shook her head at them. "Sabi ko kasi susunod na lang ako."

"Sus saglit lang naman pagpark mo." Sabi pa ni Sanya.

Nang makaabot na si Julie sa mga ito ay sabay sabay na ang mga ito na naglakad.

Pumasok sila sa isang department store dahil maghahanap si Sanya ng outfit para sa nalalapit nitong birthday.

Parang mga nags-scavenger hunt na naghiwahiwalay silang tatlo.

Iba iba kasi ang taste nila.

Sanya went for the more dressy side of clothes. Si Barbie sa mga cute outfits. At si Julie mahilig sa mga simplehan na astigin.

Nasa isang clothes rack siya na puro sweaters. Ganito lagi pormahan niya tapos papatungan niya ng cap dahil tinatamad siya mag-ayos ng buhok.

Napangiti siya nang makita ang isang hoodie na may stitched na baka. Hindi niya mapigilan ang mahinang matawa.

"Cute naman nung baka."

She gasped at the voice whispering behind her.

Napalingon siya at nagulat nang makita si Elmo na nakatayo sa likuran niya. He was wearing a simple collared shirt and shorts. Ilang collared shirt ata ang pagmamay ari nito. Iba iba lang kulay. Ngayon nakaitim ito.

"What're you doing here? Stalker ka talaga." Ani Julie Anne habang binubunot na mula sa rack ang sweatshirt.

Sasagot na sana si Elmo nang may boses na tumawag dito mula sa likod.

The Way I DoWhere stories live. Discover now