Chapter 60

590 39 7
                                    

"Tigilan mo kakangisi mo diyan." Saway ni Julie kay Elmo habang tuloy siya sa pagtimpla ng kape. Hindi lang kasi simpleng pagtimpla ang ginagawa niya.

Meron talagang coffee machine na naroon at marunong talaga siya gumawa ng masarap na kape.

Siyempre sila Tita Sandy ito hindi pwedeng hindi magpakitang gilas. Gusto niya yung tipong makakalimutan ni Tita Sandy at Tito Chris ang mga pangalan nila kapag natikman ang timpla niyang kape.

Nakapagluto na kasi siya ng breakfast kaya sunod naman ay ang kape. Kahit na nakapagkape na talaga siya. Pwede naman umulit.

Lumapit ulit si Elmo at hinalikan ang balikat niya.

"Moo, kahit anong timpla mo gusto yan nila Mama." The man said, resting his chin where he'd previously kissed her.

"Elmo Moses na malandi tigilan mo kakagulo kay Julie." Saway ni Sandy mula sa may dining area.

Napahagikhik si Julie habang si Elmo ay napaungol sa inis.

He kissed her neck before pulling away to sit where his parents were.

Napailing pa si Julie dahil naririnig niya ang diskusyon ng mag-ina. Natatawa na lang din siya dahil naririnig niyang inaasar asar ni Tita Sandy si Elmo.

Malapit na siya matapos sa kape nang narinig niyang lumabas na din si Maqui at si Frank mula sa kwarto.

"Hi Ma!"

"Good morning Maqui anak!"

"Hindi niyo po kami tinawagan edi sana kami nagsundo sa airport."

Ayun ang narinig ni Julie na usapan habang inaayos ang hawak hawak na tray.

She slowly made her way over to the kitchen.

Nandon na ang pamilya Magalona pati si Maqui na soon to be pamilya Magalona.

Agad na napatayo si Elmo nang makita ang dala dala niya.

"Moo! Ako na..."

"Moo ang gaan gaan!"

"They're six mugs!"

"O eto sayo tatlo wag ka OA." Pang-aaway ni Julie. Hinayaan niya na buhatin ni Elmo ang tatlong mug habang sa kanya ang tatlo pa.

Siyempre patas lang dapat. Pareho naman sila nagw-work out. Hmp.

"Ahaha ander." Pang-aasar ni Frank.

Elmo made a face at his brother who made a face back.

Umupo na sila lahat sa may hapag. Naroon na ang fried rice, scrambled eggs at corned beef na niluto ni Julie Anne.

"Mm. Linagyan ko sibuyas saka patatas favorite mo yan eh." Bulong ni Julie kay Elmo habang nilalagyan ang plato nito.

Pasimpleng ngumiti si Elmo. Tila tinatago nito ang sariling kilig.

Nagkatinginan naman ang iba pa na taong nakapaikot sa lamesa na iyon. They all had knowing smiles and smirks on their face before beginning to eat the bounty of breakfast.

"May something sa luto mo iha. Parang ang sarap sarap?" Sabi ni Chris. "May iba ka ba na tinimpla dito?"

"Pagmamahal daw Pa." Pang aalaska pa ni Frank sabay sapak sa braso ng kapatid.

"Aray ah!"

"Arte mo." Tuloy tuloy na nag-asaran ang magkapatid.

"Frank."

"Elmo."

Sabay din naman na saway ni Julie at Maqui.

Tila mga tuta na nanahimik ang dalawang magkapatid na Magalona.

The Way I DoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant