Chapter 20

692 65 276
                                    

Simple lang ang suot ni Julie ngayon. Skinny jeans at spgahetti strap na top tapos itinali niya ang kanyang buhok at nagsuot ng cap.

Siyempre amusement park ang pupuntahan nila hindi naman fashion show.

Binunot na din niya ang paborito niyang sneakers bago bumaba.

Nakita niya na naglalaro ng street fighter ang kambal.

"Wow...ang aaga magising." Pang-aasar niya sa mga ito.

"Grabe ka sa amin ate." Ani Donny pero nakatutok pa din sa nilalaro.

Gabbi was the same, not taking her eyes off the television but answered Donny. "Dons umamin na tayo. Pareho talaga tayo batugan and I'm proud of it."

Tawang tawa na umupo naman si Julie sa may couch sa tabi ng kambal.

Kaninang umaga kasi ay dalawa lang sila ni Michael na nagbreakfast dahil tulog pa nga ang kambal.

"Saan ka pupunta ate?" Ani Donny nang matapos ang isang game nila ni Gabbi.

Ngayon lang kasi nito nakita ang suot niya dahil nga tumigil na sa paglaro.

"Ay yan ba yung sa amusement park ate?" Gabbi asked.

"Yeah baka whole day din kami doon." Julie said.

"Dapat sinama mo si Gab ate, para may taga tili kayo." Ngumisi si Donny nang paluin siya sa hita ng kapatid. "Aray!"

Laughing, Julie checked her phone.

Si Maqui kasi ang magddrive sa kanila papunta sa amusement park na iyon.

Ayan nagtext na nga.

Bes:

Baklaaaaaaa paalis na si acqoh dito sa behey. Mga 20 minutes nandyan na me.

Julie chuckled. Sira ulo talaga.

It was after a few minutes when Julie heard the familiar horn of Maqui's car.

"Be good kids." Sabi ni Julie sa kambal. She kissed the top of their heads before walking out the door.

"Ingat ate!" Donny called out as Julie waved back.

Papasok na sana sa passenger seat si Julie nang bumaba ang bintana at bumungad ang nakangiting muhka ni Elmo.

"Moo?"

"Good morning Moo." Elmo grinned at her as he fixed his glasses on his face.

Sumilip ang ulo ni Maqui mula sa driver's side. "Lezgaw na bes pasok na!"

Kahit muhkang nalilito pa din ay pumasok na si Julie sa likod.

"Bakit kasama ka dito?" Julie asked Elmo who looked at her from the rear view mirror on his side's sun guard.

"Because I hate driving." Elmo smirked in reply.

"Oo kaya ako ginawa niya driver." Tawa pa ni Maqui. Saka ito nagsimula magmaneho.

The whole drive to the amusement park, Maqui was the bulk of the stories.

Maya't maya sasagot din si Elmo o si Julie depende sa kung sino ang tanungin ni Maqui.

Tuloy tuloy ang kwento ni Maqui. Nakasandal ang paa ni Julie sa likuran banda ni Elmo.

She shifted when she felt his hand reaching behind, his thumb caressing her calf. Hindi naman niya nilayo ang paa. Oo malandi din siya.

"Okay okay we're here!" Anunsyo ni Maqui pagkapark nila.

Bumaba na silang tatlo at chineck muna ni Maqui ang kotse saka tumingin sa dalawa. "Ano let's go? Saan na ba daw sila Moks?" She asked as she wrung her arm around Julie.

The Way I DoWhere stories live. Discover now