Chapter 7

471 53 34
                                    

"Bakit ang hirap ng exam pota!" Ani Barbie habang palabas sila ng classroom.

Akala mo kung anong nakakatrauma na pinagdaanan nito sa paglaki ng mata habang napapatulala sa sahig.

Umakbay si Sanya kay Barbie at tiningnan si Julie. Tapos muling binalik ang tingin kay Barbie.

"Samantalang itong si Julie parang hindi man lang pinagpawisan o!"

Tumingin sila kay Julie na inaayos lang ang suot na salamin habang pinapasok sa loob ng purse ang pencil case.

"Huh? Bakit?" She said.

"Tss." Ani Barbie. "E yung utak niyan sa Math kakaiba eh."

"Papasa tayo manalig." She said as she ran a hand through her long hair.

"Ikaw papasa oo." Sabi pa ni Barbie. "Magiging asawa na lang talaga ako sa kuya mo Sans." Anito habang naglalakad na sila palabas ng school.

Ayun ang last exam nila for the preliminary period.

Maaga aga pa ang araw dahil nga naman dadalawa lang ang exam nila para sa araw na iyon.

"Mare ano lunch tayo?" Aya ni Sanya kay Julie habang naglalakad sila.

But Julie gave a small smile. "Guys sorry. Kasi diba dederetso na kami doon sa rest house namin sa Batangas? Ngayon lang ulit kami pupunta doon kasi ngayon lang naman ulit umuwi sila lola."

Simula kasi nang mamatay ang mama niya nung trese pa lang siya ay hindi na sila bumalik sa beach house nila sa Batangas. Lumipad na din kasi sa ibang bansa ang lolo at lola nila na siyang may-ari talaga nung bahay.

"Ay oo nga pala! Kakainggit beach na beach na din ako!" Sabi naman ni Barbie sa kanya.

Julie chuckled. "Ediba kasi sabi ko naman sa inyo pwede kayo sumama."

"E nanay ko dami daw namin gagawin ngayong weekend." Naiiling naman na sabi ni Barbie.

"Sus d-date lang din kayo ng kapatid ko." Sabi din naman ni Sanya.

Kinilig na kinurot ni Barbie ang tagiliran ng kaibigan. "Kasama na yon."

"Sige Jules mauuna na muna kami. Maglunch lang kami sa mall kasi kitain namin don si kuya." Paalam ni Sanya.

Agad naman na tumango tango si Julie.

"O sige sige I'll see you guys next week okay?"

Nakipagbeso siya sa mga ito.

Napatingin si Julie sa oras. Mageempake pa kasi siya. Siya din mageempake ng gamit ng mga kapatid dahil hanggang hapon pa ang exams ng dalawa. Dadaanan na lang niya pareho pagkagaling sa bahay.

If she wanted to hurry she couldn't take too long to eat lunch.

Bili na lang siya sa fastfood. Or better yet...sa 7-11.

Ito kasi ang pinakamalapit.

Ipinark niya ang kotse sa kabila ng building kung saan naroon ang sinasabi niyang 7-11 dahil doon lang may parking sa ngayon.

She pushed the door and headed to the meals inside the frozen section.

Iniisip niya kung dito niya kakainin o babaunin na lang niya.

Napatingin siya sa orasan.

Kung magmamadali siya ay kaya naman.

She bought a rice meal and quickly sat down on one of the tables inside the establishment.

Tinali niya ang kanyang buhok at sinimulan na buksan ang pagkain na parang ayaw magpakain!

Galit na galit sa scotch tape?!

The Way I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon