Chapter 9

465 55 18
                                    

"Ate ang ganda talaga ng porma mo no?"

Napatingin si Julie kay Gab pagkababa niya sa living room ng kanilang bahay.

Simpleng jogging pants at spaghetti strap lang naman kasi ang suot niya.

Pinartneran din niya ng paborito niyang sneakers.

She looked at herself. "Simple nga lang porma ko." She chuckled.

Gabbi shrugged as she sat on the couch. "Simple porma dyosa muhka."

"Binawasan ba ni Papa allowance mo?" Panloloko pa ni Julie.

Napahagalpak ng tawa si Gabbi. Tumabi naman si Julie Anne sa kapatid at nilabas ang telepono.

Pasimple siya tumingin sa kapatid. Naalala niya ninja nga pala ito. Mamaya makita na ka-chat niya kanina si Elmo.

Buti na lang busy din ito sa pagcecellphone.

"Si Ate Maq nga pala?" Gabbi asked as she placed her phone down.

"Nagbihis lang pero kasama naman natin." Ani Julie habang binababa ang hawak na telepono.

Stress siya kay Maqui kanina. Mabuti na lang hindi naman ito nagduda sa kanya. Mas nauna pa ang kagutuman nito eh.

"Hola hola! Ako ba pinaguusapan niyo?"

Nakita nila si Maqui na papasok ng living room. Kasunod nito si Lola Eduardo na malamang siyang nagbukas ng pinto para dito.

"Maghanda na kayo mga anak, ako handa na kanina pa ako nagugutom." Tawa ni Lolo Eduardo bago umupo sa may kusina.

Umupo naman si Maqui sa tabi ni Julie.

Agad naman nanlalambing na niyakap ni Julie ang kaibigan.

"Photo op dali!" Ani Gabbi.

Kinuha nito ang telepono at mabilis na kumuha ng selfie sa kanilang tatlo.

They heard padded footsteps after a few seconds and saw Michael and Donny heading down from upstairs.

"Pogi naman ng Papa ko!" Sabi ni Gabbi at inayos pa ang collar ng ama.

"Ako twin?"

"Wag ka na."

"Luh kamuhka mo ako eh." Himutok pa ni Donny. Sabay ngiti naman nito kay Julie Anne. "Diba gwapo naman ako ate?"

"Tara na guys nagugutom ako." Sabi ni Julie kaya napahagalpak ng tawa si Maqui.

Donny pouted as he scratched the back of his head.

"Don't worry Dons I gotchu." Sabi ni Maqui. "Gwapo ka naman. Dami nga nagkakacrush sayo sa school niyo."

"Huy mas madami pa din nay crush kay Kuya Elmo." Sabi ni Gabbi habang pasakay na sila ng kotse.

Nasa likod silang mga kabataan habang si Michael ang nagmamaneho at si Eduardo naman ang nasa passenger seat. Si Lola Glory ay sitting pretty sa gitna.

"E siyempre team captain yon." Sagot pa ni Donny sa sinabi ng kakambal. "Pero mas gwapo talaga ako don."

"Baka baka." Biglang sabi ni Julie.

Akala mo mga nagrehearse na sabay sabay napatingin si Maqui, Gabbi at Donny sa kanya.

Her eyes widened at the realization. "Ah ito kasi na tweet na nakita ko." She said.

"Mabaog?" Sabi ni Maqui.

"Huy bakit naman may sumpaan ng matres bes!" Sabi ni Julie. "Take it back! Gusto ko magka-anak someday!"

The Way I DoWhere stories live. Discover now