Chapter 28

558 72 384
                                    

"This weekend pwede tayo mag-party sa bahay right?" Michael suggested as they continued eating dinner.

"Oh that'd be great! Para maging close din ang mga bata." Sabi pa ni Isabel habang patuloy na kumakain.

Ngumiti lang naman ang kambal habang si Julie at Nadine ay nagkatinginan.

"You're in your last year of college too right Nadine?" Tanong ni Michael sa anak ng mapapangasawa.

Nadine stopped from eating and drank some water before nodding her head.

"Yes po, Business ad."

"Ah pareho kayo ni Julie Anne." Nakangiti na sabi ni Michael.

"You two said magkakilala na kayo?" Ngiti ni Isabel habang nakatingin kay Julie at Nadine na magkatabi ngayon.

Nadine stopped, looking to Julie.

Napalunok naman si Julie bago siya ang nagsalita.

"Opo we saw each other while...I was getting my meryenda take out."

"Yeah yeah. P-pinaupo ko po siya don sa inuupuan ko na table while she waited." Nadine said.

Julie was so thankful that Nadine could read what was happening. She owed her soon to be step sister many thanks.

Kanina pa niya sinusubukan na hindi makita ang itsura ni Gabbi. Baka kasi mahuli nito ang ekspresyon niya sa muhka.

The dinner went well. Sa totoo lang akala ni Julie na hindi makakaadjust ang kambal sa usapan kahit alam niya na mature na din naman ang mga ito para sa kanilang edad.

And from her side well, Isabel seemed kind. At masaya siya na hindi condescending ang tono nito sa kanila. Yung tipong fake para lang magmuhkang mabait. She seemed really genuine.

Oo totoo na nagulat siya sa mga nangyari pero ayos lang naman sa kanya.

"We'll see you sa weekend alright?" Paalam ni Michael kay Isabel nang ihatid nila ito sa kotse sa parking. Nasa kabilang dulo din kasi ang kanilang kotse.

Julie took the opportunity to talk to Nadine while Michael talked to Isabel and Donny and Gabbi were bickering to the side.

"Thank you for riding with the story." She whispered.

Nadine nodded and smiled as she looked at Julie Anne. "Sa weekend magkkwento ka sa akin."

Mahinang natawa si Julie. She shrugged her shoulders and nodded. She guessed she owed Nadine that. "I'll practice the story in my head."

Tumawa na din si Nadine bago tumango tango.

Sumakay na ito at ang mama niya sa kotse nila. Muhkang ito ang nagmamaneho.

They waved goodbye as they watched the car drive off into the night.

Humarap naman si Michael sa mga anak. "Sino sasama sa akin sa kotse?" He asked.

Ngumisi si Donny sa ama. "Sige dad ako na lang kawawa ka naman baka lonely ka pa. Saka gigisahin pa kita."

Tumawa si Michael at inakbayan ang anak na mas matangkad na din sa kanya.

"Drive safe Julie." Bilin ni Michael sa panganay.

Tumango naman si Julie Anne at sabay na sila ni Gabbi pumasok sa kotse.

Nauna sila Michael at Donny habang nakasunod naman ang kotse ni Julie.

Tahimik lang ang magkapatid nung una hanggang sa nagsalita si Gabbi.

"Akala ko ate...nakayla ate Maqui ka kanina? Pano kayo nagkita ni Ate Nadine?"

Pasimple si Julie na napalunok.

The Way I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon