Chapter 6

776 60 42
                                    

"Huy Julie!"

"Ha?" Napatingin si Julie at napansin na kanina pa pala siya kinakausap ni Sanya.

Nakatambay sila ngayon sa pool ng bahay nila. It was a Friday after school and they really wanted to savor the weekend. Malapit na din kasi ang preliminary exams kaya masaya mag relax bago sila mapuruhan.

Binaba ni Julie ang telepono at agad na hinarap ang kaibigan. "Sorry, what were you saying?"

Sanya gave her a suspicious look. Sinubukan pa nito silipin ang telepono niya na agad naman niya tinago.

"Hoy!" Saway niya sa kaibigan.

"Sino yan ka chat mo ha? Ha?"

"Wala! May nakita lang ako na meme." Agad na sabi ni Julie.

Totoo naman. May nakita siya na meme na ni-share ni Elmo sa kanya.

Hindi naman sila lagi magka chat ng lalaki.

Walang 'good morning' o 'kumain ka na ba'. Pero may panahon na magmemessage na lang ito kapag bored o di kaya may naaalala ganon.

"Mga anak meryenda na." Sumilip si Ate Uge sa kanilang dalawa.

Tumayo naman si Julie at Sanya at pumasok na sa loob.

"Good afternoon po." Bati ni Sanya kay Michael na kinukuha ang pagkain mula sa lamesa.

"Good afternoon Sanya." Bati naman ni Michael habang hawak ang plato. "Kain lang kayo dyan ah? May kailangan ako tapusin na report basahin."

Ngumiti lang naman si Sanya bilang sagot.

Si Gabbi lang din ang nakaupo doon at kumakain na.

"Ate o sarap ng kamote." Sabi ni Gabbi.

"Ano oras ulit uuwi si Donny?" Julie asked as she and Sanya sat down.

Tiningnan ni Gabbi ang orasan sa may likuran ni Julie. "Gagabihin na ata ate? Next week wala sila training eh. Preparation for prelims."

"Ah oo nga mga 8 na ata sila matatapos." Julie said, nodding her head as she ate a forkful of sweet potato.

Tiningnan siya ng nakababatang kapatid. "Ah nagtext na pala si Dons sayo."

Julie cleared her throat. "Ah oo oo nakalimutan ko sorry."

Sabay na nagkatinginan si Gabbi saka si Sanya.

"Gabs itong ate mo may hindi sinasabi." Sabi ni Sanya habang umiinom ng iced tea.

Muntik na mabilaukan si Julie sa iniinom. "Ha? Anong hindi sinasabi?"

Sanya moved closer to Gabbi. "Pansin mo ba na lagi yan nakangiti kapag nakatingin sa cellphone?"

Naningkit ang mata ni Gabbi habang nakatingin sa ate niya. "Oo nga no. May jowa ka na ate?"

Mahinang natawa si Julie. "Magulang ba kayong dalawa? Nakangiti lang sa cellphone tapos may jowa na kaagad? Hindi ba pwede natatawa sa video na pinapanuod?"

"Mahuhuli ka din namin one of these days." Sabi pa ni Gabbi.

Napalunok si Julie pero hindi niya pinahalata.

Kunwari ay busy siya sa pag-kain ng kamote.

Oo kaya alam niya na alas ocho pa ang labas nila Donny ay dahil sinabi ni Elmo habang ka chat niya.

Speaking of; biglang nagnotification nanaman ang kanyang telepono.

Mabuti na lang busy si Gabbi at Sanya pagusapan ang isang korean drama.

The Way I DoWhere stories live. Discover now